Sabado, Agosto 11, 2012

When September Ends - Chapter One


When September Ends - Chapter One


Grade 4 ako nung naglipat kami ng bahay ng magulang ko.. Matagal na ring pinag-ipunan ni Mommy at ni Daddy itong bahay at wakas, nakalipat na rin kami.. nakakasawa na rin kasi yung parating naglilipat ng tahanan.. hindi rin kasi biro yung pakikipagsalamuha mo sa bago mong kapitbahay diba? Yung adjustments, pati yung pag-aaral mo maapektuhan..

Kinuha ko yung mga gamit namin mula sa sasakyan at nag-ayos.. pagkatapos nun, syempre, lumabas ako para maglibot libot.. dala dala ko yung robot ko saka yung lollipop ko..

“ui Xian! Wag kang lumayo ah? Di mo pa kabisado yung lugar.”
“opo Mommy.”

Ako nga po pala si Christian Karl Frias. Xian yung palayaw sa kin nung mga taong nakakilala sakin kasi mahaba na raw yung Christian Karl kaya ang ginawa nila, yung Christ e ginawang X tulad nung sa Christmas? Diba nagiging Xmas din yun, kaya siguro naimpluwensyahan yung akin, ginawa na ring Xian.. minsan din tinatawag akong CK (parang Calvin Klein lang no? hahaha xDD) pero mas kilala ako bilang Xian..

Ayun, umalis na nga ako pero sinunod ko naman yung sabi nung Mommy ko, kumakain pa ko ng lollipop nung mga time na yun.. naglibot ako saka napadpad dito sa may park ng subdivision na to.. kinabisado ko naman muna yung daan pauwi sa amin e. so ito, tumigil na muna ako sa park na to.

Namangha ako sa nakita ko.. bukod sa playground, nagagandahan talga ako sa bulaklak na andito. Unusual?! Hindi naman, hindi naman siguro ako nag-iisa.. ewan, nakaka-relax lang talga tingnan nung mga bulaklak.. parang? Nakakagaan ng feeling. At ang paborito ko nga palang bulaklak e yung santan na may anim na petals. Rare lang kasi makakita nun e. eto, may santan kaya namimitas ako pero wala akong makitang anim na petals. Nalungkot ako.

Umupo na lang ako dito sa may grassy na part sa park na to until may narinig akong batang babaeng umiiyak sa may gilid, naka-semi upo siya.. Para siyang tuta sa posisyon niya.. di ko alam kung pano idefine. Basta naka taklob yung arms niya sa legs niya pero di nakasayad yung pwet niya sa lupa. Yung upo ng bata talga?

Iyak lang siya ng iyak hanggang sa di ko mapigilan yung sarili kong lapitan siya.. At yun, the moment I saw her.. wala naman siyang luha sa muka niya pero umiiyak talga siya yun nga lang, walang luhang tumutulo mula sa mata niya.. ang weird!

“oi!”

Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin niya ko pinapansin.. kahit pagtapon lang ng tingin sa akin, hindi niya nagawa.. Nilapitan ko siya as in yung ilang inches lang ang layo namin sa isa’t isa.. Iyak pa rin siya ng iyak na parang sanggol na iniwan ng nanay niya.. Hindi ko naman alam ang gagawin kasi wala naman akong nakakabatang kapatid o di kaya pinsan na napapatahan ko tulad ng ganito..

Buti may isa pa kong lollipop, binigay ko yun sa kanya at salamat naman, tinanggap din niya.. tapos narinig ko siyang nag sniff saka nun, ngumiti siya.. nung ngumiti siya, nakita ko ang babaeng pinakamaganda sa mundo.. dagdag pa nung kulot at maiitim niyang buhok, saka yung haba at makurbang pilik-mata niya.. yung mata niyang kulay brown.. tapos yung labi niyang maliit na mejo kulay pink.. parang lahat ata sa kanya, maganda.. para siyang alamat..

“mas maganda ka kapag nakangiti eh.”
“sana di ka na lang dumating.”
“ha? bakit naman?”

Tumayo siya at umakyat sa puno malapit dun sa pwesto ko.. Nagtataka ako sa ginawa niya.. ano bang problema nito?

“oi! Anong ginagawa mo?”
“gusto ko lang ilaglag yung luha ko..”
“ano?”
“teka..”

Saka siya tumalon. Mejo masama yung pagkakalaglag niya sa lupa kasi ang panget ng landing niya e. Tumakbo ako papunta sa kanya kasi mukang namimilipit pa siya sa sakit. Hinahawakan niya yung beywang niya.. siguro dun yung masakit sa kanya.. kasi naman!

“ikaw naman kasi. Yan tuloy! Magpapakamatay ka ba?”

Hindi siya sumagot sa kin. patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang pagpapalaglag nung luha niya. Umakyat na naman siya sa puno pero this time, ayoko na ulit mahulog siya. Estranghero man siya sa akin pero pakiramdam ko kasi, gusto ko siya alagaan.. na ayoko siyang nasasaktan. Ang weird.

“kung magpapakamatay ka man lang dun ka sa malalaking building, galos lang makukuha mo jan sa puno e.”

Syempre nagbibiro lang ako nun. Reverse psychology yung ginagawa ko. sabi kasi ni Mommy, pag yung tao raw na sinasabihan mo sa ayaw mong ipagawa sa kanya at hindi ka sinusunod, try mo raw yung kabaligtaran ng gusto mong ipagawa sa kanya. mas may chance raw kasing baligtad rin yung gagawin niya.

“ano ka? Hindi ako magpapakamatay no!”
“ano sa tingin mo yang ginagawa mo?”

Umakyat ako ng puno saka tinabihan siya dun. Buti na ring may isang sanga dun na pwedeng upuan. maliliit pa naman kami kaya hindi kami mahuhulog dito.

“sabi ni Mommy, masarap mabuhay..”
“bakit? Nasubukan niya na bang mamatay para masabi niyang masarap mabuhay?”

Napahinto ako sa sinabi niya. Ang werdu naman niyang kausap! Kaninang umiiyak siya na talo pa ang isang sanggol na inagawan ng gatas tapos umakyat pa sa puno at tumalon para lang malaglag yung mga luha tapos ngayon? Tsss.

“sus. kung ano man yang problema mo, kalimutan mo na. andito na ko..aalagaan kita..”

Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi sa kanya lalo na yung huling dalwang salita, bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko.. niyakap niya ko.. ng mahigpit.. yung yakap na parang takot na takot siya.. yung yakap na parang ayaw niyang bitawan siya.. tinugon ko ang yakap na sa tingin ko ang gusto niya.. pagkatapos nung mga sandaling yun, madalas na kaming nagkikita.. we became best of friends.. at kami ang parating nagsasama sa halos lahat ng bagay.. siya..

Si September Dawn Montes.

_____________________________________________________________________________________________

Read, Vote and Comment: When September Ends - Chapter One
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Comments?

 
Copyright © Ashlei Marjoree