Miyerkules, Agosto 29, 2012

0 (mga) komento

SHE DIED -- Story Written By HaveYouSeenThisGirl

Note: This is a bit informal, memessage ko sana to sa wattpad account ni Denny but hindi pwede dahil sa sobrang haba. So dito ko na lang siya ipopost sa blogspot ko. Anyway, Denny *kaway kaway* if ever mabasa mo to, pagpasensyahan mo na lamang. :)

Hello Denny! ^^, Im Ashlei, minsan na tayong nagkausap, ewan ko lang kung naalala mo pa ba ako pero well, ok lang kung hindi. Ummm. Nagpunta ako dito sa MB mo kasi gusto ko lang sabihin sayo kung gaano kaganda ng SHE DIED. Kahit hindi siya purely lovestory eh hindi ko maiwasang kiligin kahit sa simpleng asaran nina Eros at Eris. At napaka touching ng story. Know why? Kasi hindi lang siya pang puso kundi pang buhay din. Yung sa chap 14, yung linya ni Eros na sinabi niya dun sa teacher niya na he deserve that score and that teacher don't deserve to be a teacher eh napa wow ako dun. Relate ako sa sinabi niya, i mean, good at sinabi niya dun. Kahit ba barumbado at patapon, ganun kaagad ang ihuhusga? Naiinis ako kasi bakit may mga ganung tao? Hindi naman nila alam yung totoo pero kung makapanghusga, kala mo naman kung sinong close. Yun bang, kung manghuhusga ka man lang, dapat sana yung alam mo yung totoo. Yung sure ka na totoo, hindi yung naririnig mo lang mula sa kung sino sino. Ganun kasi ako minsan, minsan nanghuhusga ako ng tao lalo na kung ayaw ko sa taong yun. Hindi maiwasan, pero pagkatapos kong mabasa yung chap14, feeling ko nagi-guilty ako. Kahit kasi galit ako sa taong yun, dapat hindi ko siya husgahan. Hindi ko rin naman siguro masisisi ang bibig ko o kahit utak ko man lang kung nakakapanghusga ako kasi dala na rin yun sa galit ko pero diba hindi dapat gawin yun? Siguro kung ako nasa katayuan niya't hinuhusgahan din ako, masasaktan ako. Nakapag reflect ako ng wala sa oras matapos kung basahin ang chap na yun.
*Eheeeerm, chap 16 na ako. Kinikilig ako sa ginawa ni Yohanne. Nung yinakap niya si Eros at alam ko bilang pasasalamat yun. Kahit fiction characters lang to mga taong to, feeling ko proud ako sa pagbabago ni Eros. At yung rejection eh balang araw magiging acceptance din, tama yun. Ano ba naman kung ma reject ka? Paganda ng paganda ang binabasa ko. Ang ganda ganda ng she died. <3
*Natapos ko rin sa wakas at napaiyak ako, i mean, may tumulong luha sa mga mata ko ng mabasa ang kinahihinatnan ng kwento. ang ganda. lalo na nung sinabi nilang God's plan ang lahat. Natuwa ako, na touch ako. Napaluha ako dahil dun. Napaka ganda. Napaka ganda ng storya. Hindi ako basta bastang napapaiyak sa story Denny pero napatulo ng She Died ang luha ko. Napakaganda. Kahit napaka bitter ng simula ng kwento ay nag end naman siya ng napaka ganda. Wala na talgang mas magaganda pa sa sinasabi nating God's plan o God's will. Wala ng mas sasarap pa sa plano Niya. Kahit may pagdaanan tayong unos, asahan nating ang pagdating ng kaginhawaan. Na para bang kapag may dumating na ulan, wag nating kaligtaan na matatapos at matatapos din ang ulan at may araw din dadating kasabay nun ang pagsikat ng rainbow, kumbaga yung rainbow na yun ang tutulong sa atin para makamit ang init ng araw. :D andami kong natutunan sa story. panay sabi ko na "Tama" sa bawat linyang patama tungkol kay God. I highly recommend everyone to read She Died, it was just not about love but also faith and renewing ourselves and redirecting of those souls who have been lost to way to God. Ang ganda ganda ng kwento. :DD

- Thank you Denny for this. Masasabi kong isa ito sa paborito kong story. Pinaluha ako at pinatawa. Napakaganda. Kahit hindi nako nakakapag aral kasi may kusa yung kamay ko para iopen yung docu para basahin ito pero ok lang, alam kong sa kaadikan kong yun, may natutunan ako. Thank you for this. Continue sharing your talent in positive way like this one, you're wrtitng skills is awesome, continue being a God's princess. :))

- Ashlei Marjoree. :3

If you want to read the story, click She Died. :)
I highly assure you if you read it, hindi kayo magsisisi sa time na nerender niyo. :)
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Sabado, Agosto 11, 2012

When September Ends - Chapter One

0 (mga) komento

When September Ends - Chapter One


Grade 4 ako nung naglipat kami ng bahay ng magulang ko.. Matagal na ring pinag-ipunan ni Mommy at ni Daddy itong bahay at wakas, nakalipat na rin kami.. nakakasawa na rin kasi yung parating naglilipat ng tahanan.. hindi rin kasi biro yung pakikipagsalamuha mo sa bago mong kapitbahay diba? Yung adjustments, pati yung pag-aaral mo maapektuhan..

Kinuha ko yung mga gamit namin mula sa sasakyan at nag-ayos.. pagkatapos nun, syempre, lumabas ako para maglibot libot.. dala dala ko yung robot ko saka yung lollipop ko..

“ui Xian! Wag kang lumayo ah? Di mo pa kabisado yung lugar.”
“opo Mommy.”

Ako nga po pala si Christian Karl Frias. Xian yung palayaw sa kin nung mga taong nakakilala sakin kasi mahaba na raw yung Christian Karl kaya ang ginawa nila, yung Christ e ginawang X tulad nung sa Christmas? Diba nagiging Xmas din yun, kaya siguro naimpluwensyahan yung akin, ginawa na ring Xian.. minsan din tinatawag akong CK (parang Calvin Klein lang no? hahaha xDD) pero mas kilala ako bilang Xian..

Ayun, umalis na nga ako pero sinunod ko naman yung sabi nung Mommy ko, kumakain pa ko ng lollipop nung mga time na yun.. naglibot ako saka napadpad dito sa may park ng subdivision na to.. kinabisado ko naman muna yung daan pauwi sa amin e. so ito, tumigil na muna ako sa park na to.

Namangha ako sa nakita ko.. bukod sa playground, nagagandahan talga ako sa bulaklak na andito. Unusual?! Hindi naman, hindi naman siguro ako nag-iisa.. ewan, nakaka-relax lang talga tingnan nung mga bulaklak.. parang? Nakakagaan ng feeling. At ang paborito ko nga palang bulaklak e yung santan na may anim na petals. Rare lang kasi makakita nun e. eto, may santan kaya namimitas ako pero wala akong makitang anim na petals. Nalungkot ako.

Umupo na lang ako dito sa may grassy na part sa park na to until may narinig akong batang babaeng umiiyak sa may gilid, naka-semi upo siya.. Para siyang tuta sa posisyon niya.. di ko alam kung pano idefine. Basta naka taklob yung arms niya sa legs niya pero di nakasayad yung pwet niya sa lupa. Yung upo ng bata talga?

Iyak lang siya ng iyak hanggang sa di ko mapigilan yung sarili kong lapitan siya.. At yun, the moment I saw her.. wala naman siyang luha sa muka niya pero umiiyak talga siya yun nga lang, walang luhang tumutulo mula sa mata niya.. ang weird!

“oi!”

Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin niya ko pinapansin.. kahit pagtapon lang ng tingin sa akin, hindi niya nagawa.. Nilapitan ko siya as in yung ilang inches lang ang layo namin sa isa’t isa.. Iyak pa rin siya ng iyak na parang sanggol na iniwan ng nanay niya.. Hindi ko naman alam ang gagawin kasi wala naman akong nakakabatang kapatid o di kaya pinsan na napapatahan ko tulad ng ganito..

Buti may isa pa kong lollipop, binigay ko yun sa kanya at salamat naman, tinanggap din niya.. tapos narinig ko siyang nag sniff saka nun, ngumiti siya.. nung ngumiti siya, nakita ko ang babaeng pinakamaganda sa mundo.. dagdag pa nung kulot at maiitim niyang buhok, saka yung haba at makurbang pilik-mata niya.. yung mata niyang kulay brown.. tapos yung labi niyang maliit na mejo kulay pink.. parang lahat ata sa kanya, maganda.. para siyang alamat..

“mas maganda ka kapag nakangiti eh.”
“sana di ka na lang dumating.”
“ha? bakit naman?”

Tumayo siya at umakyat sa puno malapit dun sa pwesto ko.. Nagtataka ako sa ginawa niya.. ano bang problema nito?

“oi! Anong ginagawa mo?”
“gusto ko lang ilaglag yung luha ko..”
“ano?”
“teka..”

Saka siya tumalon. Mejo masama yung pagkakalaglag niya sa lupa kasi ang panget ng landing niya e. Tumakbo ako papunta sa kanya kasi mukang namimilipit pa siya sa sakit. Hinahawakan niya yung beywang niya.. siguro dun yung masakit sa kanya.. kasi naman!

“ikaw naman kasi. Yan tuloy! Magpapakamatay ka ba?”

Hindi siya sumagot sa kin. patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang pagpapalaglag nung luha niya. Umakyat na naman siya sa puno pero this time, ayoko na ulit mahulog siya. Estranghero man siya sa akin pero pakiramdam ko kasi, gusto ko siya alagaan.. na ayoko siyang nasasaktan. Ang weird.

“kung magpapakamatay ka man lang dun ka sa malalaking building, galos lang makukuha mo jan sa puno e.”

Syempre nagbibiro lang ako nun. Reverse psychology yung ginagawa ko. sabi kasi ni Mommy, pag yung tao raw na sinasabihan mo sa ayaw mong ipagawa sa kanya at hindi ka sinusunod, try mo raw yung kabaligtaran ng gusto mong ipagawa sa kanya. mas may chance raw kasing baligtad rin yung gagawin niya.

“ano ka? Hindi ako magpapakamatay no!”
“ano sa tingin mo yang ginagawa mo?”

Umakyat ako ng puno saka tinabihan siya dun. Buti na ring may isang sanga dun na pwedeng upuan. maliliit pa naman kami kaya hindi kami mahuhulog dito.

“sabi ni Mommy, masarap mabuhay..”
“bakit? Nasubukan niya na bang mamatay para masabi niyang masarap mabuhay?”

Napahinto ako sa sinabi niya. Ang werdu naman niyang kausap! Kaninang umiiyak siya na talo pa ang isang sanggol na inagawan ng gatas tapos umakyat pa sa puno at tumalon para lang malaglag yung mga luha tapos ngayon? Tsss.

“sus. kung ano man yang problema mo, kalimutan mo na. andito na ko..aalagaan kita..”

Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi sa kanya lalo na yung huling dalwang salita, bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko.. niyakap niya ko.. ng mahigpit.. yung yakap na parang takot na takot siya.. yung yakap na parang ayaw niyang bitawan siya.. tinugon ko ang yakap na sa tingin ko ang gusto niya.. pagkatapos nung mga sandaling yun, madalas na kaming nagkikita.. we became best of friends.. at kami ang parating nagsasama sa halos lahat ng bagay.. siya..

Si September Dawn Montes.

_____________________________________________________________________________________________

Read, Vote and Comment: When September Ends - Chapter One
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

When September Ends - Prologue

0 (mga) komento


When September Ends

Written By Ashlei Marjoree

"Siya at siya lang, ang babaeng mahal ko, 
minahal ko at mamahalin ko pa 
sa tanang buhay ko."
- Christian Karl Frias




PROLOGUE:

Till we meet again..

That was the last four words na narinig ko mula sa kanya.. Teka, siguro nagtataka kayo sa panimula ko.. Actually, im not a good writer, architecture pinag-aralan ko.. Siguro naman, obvious sa panimula ko.. Inisip kung maigi kung paano simulan, and I ended up with this,

Till we meet again..

Siguro, iniisip niyo, sad ending ito.. well hindi.. im sure hindi.. Hindi nga ako magaling magwriter, sapul eh! sino ba namang ugok na writer na ispo-spoil yung sarili niyang kwento diba? Ako na yun. Hahaha. Pinilit lang naman kasi niya ko.. ang babaeng kahit pa sa kabilang buhay, handa kong mahalin..at mamahalin ko pa kahit pa wala na kaming mga buhay..

Siya..

at siya lang..

ang babaeng mahal ko..

minahal ko..

at mamahalin ko pa..

sa tanang buhay ko..

Pagpasensyahan niyo na lang ‘tong prologue ko.. pati na tong kwento ko.. This maybe an ordinary story sa inyo, pero ito.. para sa akin, isang storya na kahit kailan, hindi mabubura sa isip, hindi namamatay sa puso..ang storyang nagbigay sa akin ng himala, pag-asa at paniniwala.. sabi nga niya, ang bawat storya ay mahalaga.. kahit pa anong klaseng ending meron ito, kahit anong klaseng simula meron pa ito, mananatili ito sa ating mga puso at naaalala pa rin ito kahit pa sa kabilang buhay..

Bakit nga ba tinatawag na happy ending ang isang kwento gayong ending na nga nya, ‘diba? Hindi ba dapat tawag nun e sad ending kasi ending na nga niya.. Kasi ako, gusto ko sa isang kwento eh yung walang katapusan, walang ending.. wala akong pakialam kung paano pa siya sinimulan o kung paano winakasan, basta ang gusto ko..

Walang katapusan..

Hindi ko na pahahabain ang prologue ko.. Prologue nga diba? Usually, short yun eh. ewan. Tama ba? baka aking prologue lang ang maikli.. hahaha. Nangangawit na rin kasi itong kamay ko sa kakatype nitong storya namin sa laptop ko eh. actually, itong prologue na to ang panghuli kong tinype. Siguro nga dapat naging epilogue to diba? Haha. hayaan niyo na nga lang ako.

So ito na..

This is how our story ends..

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

You Got Me Akisha

0 (mga) komento







You Got Me Akisha
Written By Ashlei Marjoree 
What do you have in life yet you don’t own it?
I have this man that I love yet he’s not mine.










ISANG maaliwalas at maliwanag na umaga, nagtambay sina Akisha at ng mga kaibigan niyang babae sa kanilang paboritong tambayan sa kanilang paaralan, halos lahat ng mga schoolmates niya tinatawag itong mini-forest dahil yaong lugal na yaon parang isang maliit na gubat, may maraming punong nakatanim dito at sa ilalim nito may mga lamesa’t upuan para sa mga studyanteng tatambay at mag-aaral dito. Presko ang lugal na yaon kaya naman napapadalas ang pagtatambay nina Akisha dito.

Kumakain sina Akisha ng snaks nila noong biglang dumaan sa kanilang pwesto itong si Taniel kasama rin ng kanyang kaibigan. Agad agad itinago ni Akisha iyong mukha niya sa kanyang kamay noong nakita ang binata. Gulat na gulat lang talaga siya noong makita ito kaya naman ganoon na lang ang kaniyang naging reaction.

Matagal ng gusto ni Akisha ang binata pero walang naging rason para malaman nito ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya. Hindi sila naging magkaklase kaya iniisip ng dalaga na hindi siya kilala ni Taniel gayundin ang nararamdaman nito para sa kanya.

Noong makalayo na si Taniel at ng mga kasama nitong kaibigan sa pwesto nila Akisha, agad siyang siniko ni Jenevive, isa sa matalik na kaibigan ni Akisha

“Uy Akisha! Si Taniel yun diba? Yung lalaking matagal na matagal mo ng hinahangaan?”

Agad na tinakpan ni Akisha gamit ng kanyang kamay ang bibig ng kaibigan. Hiyang hiya siya sa sinabi nito at nag-aalangan na baka marinig ng binata yaong sinasabi ng kaibigan tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya kahit limang mesa naman ang layo nila Taniel sa mesa nila Akisha.

“Jenevive naman! Baka marinig ka niya!” bulyaw ni Akisha sa kaibigan sabay alis ng kamay nito sa bibig niya.

“Ano naman ngayon kung marinig niya?” giit ni Xtine, kaibigan rin ni Akisha at pinsang buo rin niya ito “Mabuti nga kung marinig at malaman ni Taniel yung nararamdaman mo para sa kanya para makilala ka naman niya.”

“Oo nga naman Akisha!” dagdag ni Caren habang ginagalaw galaw ang mahaba nitong buhok “Mahigit isang taon mo na rin siyang hinahangaan ngunit hindi naman niya ito alam! Sa tingin ko, panahon na para malaman niya yaon.”

“Nababaliw na ba kayong lahat?! Ayoko no!” halos pasigaw ngunit kalmadong sabi ni Akisha sa tinuran ng mga kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito ngayon sa kanya. Alam ng mga ito kung gaano kalaki ang paghanga niya sa binata ngunit hindi naman nila ito madalas pinag-uusapan.

“At bakit naman hindi?!” tanong ni Jenevive habang nakataas ang kanang kilay nito. Wari hindi makapaniwala sa ginawang pahayag ni Akisha.

“Dahil ba sa natatakot ka, Akisha?!” dagdag na tanong ni Caren.

Sinagot naman ito ni Akisha matapos sumubo ng burger “Hindi ako takot. Ayoko lang malaman niya itong nararamdaman ko. At isa pa, nakakahiya kung malaman niya ito.”

“Bakit ka naman mahihiya?” tanong ulit ni Jenevive habang ganun pa rin ang ayos ng kilay niya “Wala ka namang dapat ikahiya dahil wala ka namang ginagawang masama. Umiibig ka lang at wala naman akong nakikitang pagkakamali doon.”

“Tama si Jenevive Akisha! Malay mo, yaon na pala ang pagkakataon mong mapalapit sa kanya. At baka nga hindi mo alam, may gusto pa pala siya sayo. Tingnan mo nga oh!” ngumuso ang kaibigan niyang si Caren sa deriksyon nila Taniel “Kanina ko pa napapansing panay tingin niya sayo.”

Tiningnan naman ni Akisha ang tinutukoy ng kaibigan niya at nagsasabi nga ito ng totoo pero hindi pa rin siya nagpadala sa mga napansin nito “Ano ba kayo! Hindi ako ang tinitingnan niyan!”

Agad na lumipat ng direksyon ang tingin ng mga mata ni Akisha. Nag-aalangan siyang baka mapansin siya ng binata at mahuli pa nitong nakatingin siya dito.

“Ows!?Alangan namang ako ang tinitingnan niyan Akisha!” pabirong sabi ng isa pa nitong kabigan, si 2letz. Ito ang nag-iisang lalaki sa kanilang grupo ngunit ang puso nito’y malambot kaya tinuturing na rin nila itong kauri nila.

Nagtawanan ang lahat sa biro ng bakla maliban kay Akisha, sa halip ay napasimangot pa ito.

Nakita ni Jenevive ang naging ayos ng mukha nito kaya pinuna niya kaagad ito “Akisha naman! Nagbibiro lang itong si 2letz! Ang sinasabi lang naman kasi namin sayo ay wag ka ng magpatumpik-tumpik pa’t sabihin mo na kay Taniel ang nararamdaman mo.”

“Tama si Jenevive Akisha!” pagsang-ayon naman ni Caren sa sinabi ni Jenevive at dinagdagan ulit ang sinabi nito “Si Taniel, parang mathematical problem yan eh, hindi mo makukuha kung tititigan mo lang. Gaya ng ginagawa mo ngayon!”

“Tama!! Kaya kung ako sayo, go na ko at sasabihin ko na kay Papa Taniel ang feelings ko!” pagsang-ayon ni 2letz habang nilalagay nito ang dalwang kamay sa dibdib nito, wari nangangarap ng gising.

Sinupurtahan din ito ni Jenevive habang nakaganoon din ang ayos ng kamay nito, wari nangangarap din “At baka maunahan ka pa ng iba dyan sa prince charming mo!”

Humalumbabang napabuntong-hininga na lang si Akisha sa mga narinig niya mula sa kaniyang mga kaibigan. Hindi niya sukat akalaing ganoon ang mga ipapayo nito sa kanya. Hindi niya alam kung susundin ba niya ang pinayo ng mga ito ngunit sumang-ayon naman siya doon sa sinabi ni Caren kanina, hindi nga niya ito makukuha kung tititigan lang niya.

Hindi naman niya pinangarap maging sa kanya ang damdamin ng binata. Sapat na sa kanya ang makita’t masilayan ang pamumukha nito sa araw-araw. Pero nang dahil sa mga nasabi ng kanyang kaibigan, nag-aalangan na siya ngayo’t hindi na niya alam ang ibig niyang gawin sa nararamdaman niya para kay Taniel.


SUMUNOD ang ilang araw at naiisip pa rin iyon ni Akisha. Hindi na rin nawawala sa kanilang usapan ang tungkol doon. Parati pa rin siyang kinukulit ng kanyang mga kaibigan sa mga gusto nitong ipaalam na sa binata ang nararamdaman niya. Hindi naman niya masisisi ang mga ito sapagkat matagal na nga niyang tinatago itong nararamdaman niya para sa binata. Pero sa sarili niya, hindi ata niya kayang ipagtapat dito sa binata ang nararamdaman niya kaya inasa na lang niya ang lahat ng ito sa tadhana.

Lumipas ang ilang buwan at napapadalas na ang kulit ng tadhana sa kanya. Minsan ay nakakasalubong niya si Taniel sa koridor at panay ang tingin nito sa kanya. Hindi man niya maamin ay kinikilig din siya sa mga napapansin niya sa binata, tanging siya lang at ang kanyang mga kaibigan ang nakakaalam nito.

“Haynako Akisha. Pustahan pa tayo! Iyang si Taniel Rodriguez ay may gusto sayo!”

Iyon ang madalas na sinasabi ng mga kaibigan niya sa tuwing mapupuna ng mga ito ang panay tingin ng binata sa kanya. At dahil nga doon ay nabuhayan na rin ng pag-asa ang kanyang puso na gusto nga siya ng binata. Lumipas pa ang ilang araw’ng pasulyap-sulyap at patingin-tingin nila sa isa’t isa ay di naglaong naging magkaibigan sina Taniel at Akisha, sa tulong na rin ng mga kaibigan ng dalawa ay nangyare ang bagay na yaon.

Mas lalo pang bumigat ang paghanga ni Akisha sa binata. Mas dumami pa ang kaalaman niya tungkol dito ngayong minsan ay nakakasama na niya ito sa mga lakad nilang magkakaibigan. Ang sarap nitong kasama at kakwentuhan at magaan na magaan ang loob ng dalaga sa binata. Halos pareho sila ng pananaw at gusto sa buhay kaya naman mas lalo pang nanaig ang pag-ibig sa puso ng dalaga para dito.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagbago na lang bigla ang lahat noong dumating sa kanilang buhay itong si Monica, isang Fil-Am na kababata pala ni Taniel at ngayo’y nagbalik-Pilipinas na. Magkapitbahay sina Taniel at Monica dito sa Pilipinas noong sila’y mga bata pa kaya ganoon na lang ang kanilang closeness. Miminsan na lang kung sumasama itong si Taniel sa lakad nina Akisha dahil may lakad din sila ni Monica.

Labis labis ang sakit na nararamdaman ni Akisha sa tuwing tatanggi si Taniel sa mga paanyaya niya. Hindi niya rin maalis sa kanyang puso ang sakit sa tuwing madadaanan nito ang binatang masayang masaya kasama ng babaeng tinuturing na niyang karibal sa puso ni Taniel.

Lumipas pa ang ilang buwan at mas lalo nang napapalayo sa kanila si Taniel. Hindi niya lubos maisip na ganoon na lang kadali kung mawala sa kanyang piling ang binata.

“Aynako Akisha. Kaya nga ayokong magmahal kagaya ng ginagawa mo ngayon kasi ayokong masaktan.”

Minsang sabi ni Xtine kay Akisha noong nagtambay sila sa mini-forest habang tanaw nila mula sa di kalayuan ang binatang nagdulot sa kanya ng ganoon na sakit. Tiningala lang niya ang kaibigan at tumahimik. Hindi niya magawang tumutol sa sinabi ng kaibigan dahil totoo naman ang mga sinasabi nito. Hindi maikakaila sa mukha niya ang lungkot. Kahit anong gawin niyang maging masigla ay hindi pa rin niya maitatago sa mga mata niya ang bakas ng kalungkutan.

“Ganyan talga ang pagmamahal. Yung taong pinakamamahal mo ay magdudulot sayo ng kasiyahan, pero siya din yung magdudulot sayo ng matinding sakit sa kalooban. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon masaya ka ng dahil sa kanya.” bulalas ni Jenevive. Sa kanilang lima, si Jenevive itong may experience na sa pag-ibig. Nakatatlong nobyo na rin itong kaibigan nila kaya ganoon na lang kung makapagsalita tungkol sa pag-ibig.

Biglang tumayo si Caren at tiningnan si Akisha “Sana pala naging sibuyas na lang itong puso ni Akisha noh?!”

“Bakit mo naman nasabi iyon Caren?” nalilitong tanong ni Xtine sa tinugon ng kaibigan.

Sinagot ni Caren ang nalilitong tanong ng kaibigan niya “Naisip ko lang kasi kung nagkaganoon, kahit si Taniel yung humiwa at nanakit sa puso ni Akisha, siya pa rin ang luluha at hindi itong kaibigan natin.”

“Sana nga ganoon.” Sumali na sa usapan itong si Akisha at inilabas na rin niya iyong saloobin niya tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon na siyang pinag-uusapan rin nila. Malungkot na malungkot ang mukha nito. Bakas talga sa mukha nito ang sakit “Pero sa ngayon, ako yung nasasaktan sa hiwa niya eh. Alam niyo namang siya yung nagpapasaya sa akin. Ewan ko ba, kahit anong gawin kong paglimot sa kanya hindi ko kaya. Sayang lang eh, para siyang bahaghari, miminsan na nga nagpapakita, ang dali dali pang mawala. Hindi ko na alam kung anong tama kong gawin.”

Hinawakan ni Jenevive ang kamay ni Akisha, pilit pinapatatag ang malungkot na kalooban ng kaibigan sa pamamagitan ng higpit na hawak nito sa dalaga “Hindi mo naman kasi mapipigilan ang sarili mong magmahal Akisha. Falling inlove is like falling asleep in the class, you weren’t supposed to do it but you still did.”

“Aynako Jenevive! Basta ako? Ayoko talgang madali dyan sa pag-ibig na yan. Pasasaan pa’t masasaktan lang rin naman ako sa huli, hindi ko na lang isusugal iyong puso ko!” giit ni Xtine. Kitang kita sa mukha nito ang pagiging determinado sa sinabi.

“Hindi mo naman maaaring sabihin yon Xtine.” Saad ni 2letz, halatang tutol siya sa binulalas ng kaibigan “Alalahanin mo, sinisikap pa rin nating mabuhay kahit alam nating sa huli ay mawawakasan rin yung buhay natin diba?”

“Pero marami namang natatakot sa kamatayan eh! At isa na ako doon, natatakot akong masaktan.” maliit na dugtong ni Xtine

“Oo. Pero iyon ang katotohanan sa buhay ng isang tao, may hangganan ang lahat. Kaya kung ano man ang mangyare, dapat lahat tayo maging handa. Dapat handa tayong mamatay…handang masaktan.”

Natahimik silang lahat sa tinuran ni 2letz. Hindi nila alam kung kailan pa ito naging matalinghaga at malalim patungkol sa buhay at pag-ibig ngunit hindi man nila maami’y may punto din ang kanilang kaibigan.

Nagkibit balikat na lang si Akisha sa mga narinig niya mula sa kaibigan. Hindi na niya malaman kung anong ibig dapat gawin. Kung mamahalin pa rin ba niya si Taniel o kakalimutan na lang ang minsang pag-ibig na ibinuhos niya para sa binata.


Malapit na ang taunang prom at puspusan na ang paghahanda ng karamihan. At ganun na rin ang paghahangad ni Akisha na maisayaw man lang sana siya ng lalaking iniirog niya pero aniya ay malabo ng mangyare iyon. Mula sa di kalayuan ay tanaw niya ang binata habang nag-eensayo ito para sa kanilang prom.

“Tiyak si Monica ang isasayaw niya.” Malungkot na saad ni Akisha sa sarili.

Narinig iyon ng kaniyang mga kaibigan. Lumapit sila dito at tumabi kay Akisha, pilit nilang maging masaya sa harapan nito.

“Akisha! May partner ka na ba para sa prom?”  paunang tanong ni Caren dito.

Nakatingin pa rin si Akisha sa lugal kung saan nag-eensayo si Taniel, malungkot pa rin ang mukha nito habang sinagot ang tanong ni Caren.

“Wala.” Iyon lang ang sinagot niya at binaling na nito ang tingin sa ibang lugal.

“Si Justine? Hindi ba’t gusto kang maging partner non? Wag mong sabihin na inayawan mo?” pagtatanong ni Jenevive sa kanya.

Si Justine ay isa sa manliligaw niya at sa lahat ng mga pumuporma sa kanya ngayon ay ito ang pinakamasugid. Halos araw araw itong nagbibigay sa kanya ng mga tsokolate at bulaklak. Masaya naman siya sa mga ginagawa nito sa kanya pero hindi pa rin maalis sa isip niya si Taniel. Naisip niya, kahit kapirasong kendi lang ang ibibigay ni Taniel sa kanya ay magiging masaya na siya. Pero kahit isang ngiti galing dito ay hindi na niya natatanggap simula noong dumating sa buhay nito si Monica. Miminsan na lang niya ito nakikita kaya mas lalo siyang naging malungkot.

Hindi sinagot ni Akisha ang tanong ni Jenevive. Bagkus ay kinuha lang niya ang celphone niya’t tiningnan ang nasa wallpaper nito, ang larawan nila ni Taniel na kinuha pa noong minsang nagpunta sila sa isang mall.

Bigla ay lumapit si Xtine kay Akisha, pinuna ang ginagawa niyang pagmamasid sa larawan nila ni Taniel sa celphone nito “Alam mo Akisha. Napaka-masokista mo talga! Paano mo iyan makakalimutan kung parati mo siyang tinitingnan at iniisip? Akala ko ba gusto mo na siyang kalimutan?”

“Oo nga naman Akisha.” Puna rin ni 2letz, hindi rin maitago sa mukha nito ang pag-aalala para sa kaibigan, ibig niyang mapasaya ito sa kabila ng sawing-pusong pinagdadaanan nito ngayon “Nandyan naman si Justine, pinapasaya ka niya. Hindi pa ba sapat iyon para makalimutan si Taniel?”

Hindi pa rin nagsalita itong si Akisha. Titig na titig pa rin ito sa screen ng celphone niya. Wari walang nadidinig o nakikita kundi ang sarili niya lamang.

Nagkumento na rin si Jenevive. Kahit masasabing boto itong si Jenevive kay Taniel para kay Akisha ay hindi na rin niya kaya ang nakikitang malungkot ang kaibigan “At isa pa Akisha, hindi mo makikita iyong taong para sayo kung pinipilit mo iyong isang tao na maging iyo. Tantanan mo na si Taniel Akisha.”

Bigla ay tinago ni Akisha ang celphone niya at binulsa ito. Kinuha niya yaong bag niya atsaka isinabit sa balikat niya at nagwika sabay alis, “Mahal ko pa rin siya.”

Blangkong sumunod na lamang ang kanyang mga kaibigan sa kung saan ito pupunta. Napailing na lang sila sa katigasan ng ulo ng kaibigan. Talgang mahal nga nito ang binata.


PROM night na. Naggagandahan at naggwagwapuhan ang halos lahat ng studyante sa naturang skwelahan. Hindi rin maalis sa mga ito ang kinang ng mga ngiti sa mga labi nito maliban kay Akisha. Hindi sana siya sasali sa prom night nila kung hindi siya pinilit ng mga kaibigan. Pinagbantaan pa siya ng mga ito na hindi sila sasali sa prom kapag hindi pupunta ang dalaga daan lang para mapapayag nila itong sumali at makilahok sa naturang event.

Nagsisimula na ang prom at hindi pa din dumadating itong si Akisha. Alalang-alala na ang kanyang mga kaibigan sa kanya. Halos mapudpod na ang mga keypad ng mga celphone nito sa kakadial ng number niya’t para matawagan siya.

Naisip naman ni Akisha ang magiging reaction ng kanyang mga kaibigan at tiyak magiging malungkot ang mga ito kapag hindi siya dadalo kaya nakilahok na lang rin siya. Simple lang ang kanyang sinuot. Hanggang tuhod ang haba, kulay violet ito at simple lang ang disenyo. Hindi niya masyadong pinaghandaan ang prom kaya ganoon na lang ang naging ayos nito ngunit hindi pa rin naman mawawala sa dalaga ang pagiging maganda.

Late na kung dumating itong si Akisha. Cotillion na noong dumating siya kaya hindi na siya nasali sa parade. Nagpasalamat naman siya’t hindi na niya iyon naabutan dahil ayaw rin naman niyang sumali pa doon. Mas lalo lang siguro siyang masasaktan kapag makita niya si Taniel na kasama si Monica na masaya. Baka hindi niya mapigilan ang sarili’t baka maiyak pa siya. Umupo na lang siya sa may gilid. Nakatanaw lang sa kawalan. Nanghihimutok at humahaba na ang nguso. At kasabay ng hinagpis niya ay tumugtog ang isang kanta…

NP: MILLION MILES AWAY BY NIKKI GIL

I'd love to make you mine
'Cause it's the only way to hold you
In my wild imagination
Still don't know how
To grab a chance and spend some time
In just a simple conversation

Si Taniel lang ang tanging pumasok sa balintataw niya habang umaalingawngaw sa tenga niya ang bawat lirika ng kanta. Kung paano niya inasam-asam itong makasama sa araw-araw. Kung paano niya hinangad ang ngitian ito at sabihing siya ang dahilan ng bawat pintig ng kanyang puso. Ngunit sa panaginip na lang ata niya ito kayang gawin.

Just give it a try
Though I'm like chasing rainbows in the sky
I waanna hold you in my dreams
And make believe that it's true
Although I know, I know that it is impossible to do
Cause your a star
People love you as you are
You're a million miles away from me

Pangalawang part na ng prom at iyon ay ang pagpili ng mga maaaring maging Hara at Hari para sa ngayong taon. Bigla siyang napatingin noong tinawag ang pangalan ni Taniel. Hindi niya mapigilang hindi mapatingin dito. Mas lalo itong gumwapo sa suot nitong tuxedo. Para itong isang prinsipe sa paningin ni Akisha.

Wished that you were here
Cause it's illusions every time you're close to me
And sing my love song
And it's the only way
I could tell, the whole world(I love you)
Although your a million miles away

Bakit ang hirap mong abutin? nasambit na lang ni Akisha sa sarili habang tinititigan ang binata.

Just give it a try
Though I'm like chasing rainbow in the sky
I wanna hold you in my dreams
And make believe that it's true
Although I know, I know that it's impossible to do
Cause your a star
Your a star
Your a star 

Kasunod na tinawag si Monica pati na rin ang mga kaibigan niyang si Jenevive, Caren at Xtine. Isa ito sa mga napili at masaya siya para dito. Hindi rin naman kasi maikakaila ang kagandahang taglay ng tatlo niyang kabigan.

Just give it a try
Though I'm like chasing rainbow in the sky
I wanna hold you in my dreams
And make believe that it's true
Although I know, I know that it's impossible to do
Cause your a star
Your a star
Your a star
Million miles away from me

Napadala na si Akisha sa kanta at napasabay na rin ito ng biglang sumulpot sa kanyang harapan si Taniel. Gulat siya noong makita ang presensya nito.

“Oh Akisha? Bakit nandito ka’t nag-iisa? Pati…hindi kita nakita kanina sa parade? Bakit? May masama ba sayo?!”

Makikita sa mukha at tono ng boses nito ang pag-aalala kaya naman hindi maiwasan ni Akisha ang hindi mahulog dito. Napatitig si Akisha sa binata at ganoon din si Taniel. Nagkatitigan lang sila sa halos isang minuto. Unang nag-alis ng tingin itong si Akisha. Sinikap niyang ngumiti sa harapan nito.

“Ahh w—wala. Late kasi a-akong dumating kaya hindi na lang ako sumali doon. O—ok lang ako Taniel, salamat.” Wika ni Akisha at ibig na rin niya itong umalis sa harapan niya.

“Talaga bang ok ka lang?”

Hindi ako magiging ok kapag nananatili ka pa dito, Taniel. Sa loob loob ni Akisha. Gusto sana niya itong sabihin sa binata ngunit hindi kayang ibuka ng kanyang bibig at sabihin ito.

“Ah oo! Ok lang talga ako. Sige!” wika niya sabay alis sa kinaroroonang iyon. Agad siyang tumakbo papalayo kay Taniel. At habang nagtatakbo siya ay hindi na rin niya napigilan ang pag-agos ng butil ng luhang umungaw sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata. Dali dali siyang nagpunta at nagtago sa may maliit na garden ng kanilang skwelahan. Doon niya binuhos ang kanyang sarili. Wala namang tao doon kaya ok lang kung anong gawin niya.

Iyak lang siya ng iyak hanggang sa may marinig siyang usapan ng dalwang tao. Sa tantiya niya ay isang babae at isang lalaki ito dahil na rin sa hubog ng mga katawan nitong guhit ng kanilang mga anino. Hindi niya masyadong narinig ang pinag-usapan ng mga ito, dumungaw siya saka lang niya nakita na iyon pala ay si Monica at Taniel.

Labis-labis ang sakit na naramdaman niya sa mga nakita niya. Kahit nag-uusap lang ang dalawa ay hindi pa rin maalis sa kanya ang selos. Tinatagan niya ang kanyang loob. Pinahiran niya ang ngayo’y nag-aagusan pa ring mga luha. Pilit niyang pinakalma ang sarili at lumabas siya sa naturang garden.

Matapos inipon ni Akisha ang lakas ay lumapit siya dito. Wala ng bakas ng luha ang pisngi niya at iyon ay sigurado siya. Hindi niya alam kung tama ba itong gagawin niyang pagpapakita sa dalawa ngunit kung ano man ang kahahantungan nitong ginagawa niya ay tatanggapin niya ng buo sa loob niya.

Sasabihin na niya dito sa binata ang nararamdaman niya. Maaring pagsisihan niya itong ginawa niya pero ang hindi pagsabi sa nararamdaman niya para dito ay maari niyang pagsisihan habang buhay.

Bahala na! pilit niyang pinapatatag ang kalooban. Humakbang siya papalapit dito. Nagulat pareho sina Taniel at Monica sa nakita nila.

Ngumiti si Akisha at nagsimula ng magwika sabay hawak sa kamay ni Taniel kahit nginig na nginig na siya.

“Mahal ko! Kanina pa kita hinanap, nandito ka lang pala.”

Hindi siya yumuko upang makita niya ang reaction ni Taniel sa ginawa niya. Nagulat ito. Hindi na nga ito nakapagsalita sa sobrang gulat. Nakaramdam ng matinding pagkapahiya si Akisha sa naging reaction ng binata.

Nagwika kaagad si Monica sabay siko kay Taniel.

“Ikaw talga Taniel! Kayo na pala ng crush mo eh! pahingi-hingi ka pa sa akin ng advice!”

Nothing is happier than falling in love. Specially if the person that you have fallen for, is much more ready to catch you since before.

Read and Vote at Wattpad: You Got Me Akisha
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
 
Copyright © Ashlei Marjoree