RSS

Sabado, Setyembre 8, 2012

Love Story By Glass Wall -- Novel Written By Melai Quilla

0 (mga) komento
Love Story By Glass Wall By Melai Quilla

My dearest message to Ate Melai,

Ate Melai. Bad ka! You're so bad!! Napakasama mo!! :((((((((( Hindi ko alam pero nung nasa bandang chapter seven na ako until natapos, iyak na lang ako ng iyak nang hindi ko alam. Wala naman po akong boyfriend at mas lalong wala akong asawa pero WHY? Waaaaaaah! Naiyak ako sa kwentong Love Story By Glass Wall. Bakit ka ganun na writer? Bakit napaka galing mo? San mo hinuhugot ang lakas para magpaiyak ng isang uyamot na reader na katulad ko? EXPLAIN! Ugh ate. T____T The story ends with a happy ending yet iyak ako ng iyak. :(( Grabeh, ang galing mo! Napaiyak mo ko with this story of yours. Kahit sa love story by headlines pa lang, swak na swak pa rin yung oras na ginugol ko para basahin ang story mo. Wala akong permanenteng internet connection but i had still manange to save the 10 web pages just to read it kasi alam kung topakin ang wifi sa amin at miminsan lang ako maka konek. Plano ko talgang mag siesta after lunch kaso nung naalala ko yung story na sinave ko, binasa ko iyon pero wala sa plano ko ang basahin yun all through out. Pero grabe, i just did it. BINASA KO TALGA SIYA NG BONGGANG BONGGA TO THE POINT NA NAGLABASAN YUNG LUHA SA MGA MATA KO. Matagal matagal na rin ng hindi ako nakaiyak pero it's all worth it. Ang haba na ng litanya ko but anyway ate, IM ALREADY YOUR FAN! It would be so nice to meet someone like you and talk to you just like this. Im very fortunate to meet you and read your stories. :)) Just after I've read the sequel, gusto ko na ulit mainlove at makatagpo ng isa pang Zyren sa mundo and be his Leanne forever and always. Iloveyou ate!! Continue inspiring others. :)) You're a blessing! :*
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Biyernes, Setyembre 7, 2012

Chapter One

0 (mga) komento

Chapter ONE

            “Bestfriend!! Dalian mo naman jan oh!!”
            “Oo na nga eh! teka… binibilisan an nga!”

            Nandito ako sa bahay ni Cilquen. May basketball game kasi mamaya sa school at kasali itong bestfriend ko pati na ang Sol my loves ko <3!! Kung hindi ko pa nasabi, hindi pocho pocho itong bestfriend ko noh! Kasali to sa varsity sa school! AT!! Ganun din ang Sol my loves ko!! Nag champion na nga sila sa iba’t ibang contest eh! At ngayon, pagkakataon ko na namang makalapit kay Sol my loves ko at ipakita sa kanya ang wagas kong LOVE! Ayeeee!

            Kaya nga kanina pa ko sigaw ng sigaw dito kay Cilquen eh. Hindi na ko mapakali kasi ang tagal makabihis animo magsusuot pa ng bra at panty, parang babae!! Ang cheber talga!! Baka mahuli pa kaming dalwa. Worried na worried na nga ako. My gosh!!

            “Cilquen!! Ano ba??”

            Iniluwa ng pintuan ng room niya itong si Cilquen, minamadaling isuot yung pang-itaas an jersey niya. Ayy nako gosh, ang yummy ni bespren! UWAAA!

            Ayan ka na naman Arj!! Pati sarili mong bespren nilalandi mo!! Huy gising girl!! matutulala na sana ako sa harapan niya nung nagsalita siya, “Eto na nga oh! Grabeh ka talga basta pagdating kay Sol!! Josko.”

            “Wag ng madaming satsat! Lets go na!! Oh? Akin na nga yang bag mo!!” sabay kuha sa bag niya. My gosh. Ang yummy ni bespren pero kay Sol my loves pa rin ako. PROMISE.

            “Kumpleto na ba to?” tanong ko kay Cilquen habang chenecheck ang laman ng bag niya.
            “Oo!”
            “May towel na dito? Pagkain? Snacks?”
            “Oo anjan na lahat!”
            “Ok! Eh tubig?!”
            “Isang baldeng tubig ang nanjajan Arj! Kahit maligo pa si Sol mamaya, pwede!!”
            “To naman! Sige na! dalian mo na jan!”

            Uwaaaa! Andito an kami sa school! Gurabeehh, nasa labas pa nga kami ng gym, maririnig na talga yung ingay mula sa loob. Iniimagine ko an tuloy, rumarampa an si Sol my loves ko.. AYEEEE!

            “Excited na kong makita siya!!” excited kong pagbulong sa sarili ko.

            At dahil nga isa sa basketball player itong si Cilquen, syempre ako na bestfriend niya, VIP! Ahahaha. I mean, maaari akong umupo malapit sa lagayan nila ng gamit, sa ground chuchu? Ano ba tawag dun? Basta! So ayun… pagpasok ko pa lang, tentenenen!! sino pa ba ang hahanapin? Edi ang prince charming ng buhay ko

            “Asan an kaya yung boyfriend ko?” palinga linga ako sa paligid hinahanap siya. Sinuyod ng mata ko ang buong gym kaso wala akong makitang gwapong Sol George Pelaez eh. Ahuhuhu. Kalungkot tuloy!

            Umupo an lang ako sa may gilid katabi ni Cilquen at humalumbabang naghahanap pa rin kay Sol “Asan an kaya yun?”
            “Late lang siguro yun.” napatingin ako bigla kay Cilquen. Narinig niya pala ang sinabi ko “Wag kang mag-alala…dadating yun.”

            Dahil sa sinabi ni Cilquen, nabuhayan ako ng pag-asa! Nung una kasing game nila, wala si Sol. Nalungkot nga ako nun eh! Kasi naghanda pa talga ako ng banner nun pang cheer para sa kanya at sa bestfriend ko kaso hindi naman siya dumating, nabroken-hearted tuloy ako nun! Kaya ngayon… please! Tawagin niyo na lahat ng mga santo, ipagdasal nati’y sana dumating si Sol my loves ko kundi… broken hearted na naman ako! :< At kapag broken hearted ako? hindi niyo magugustuhan kung ano ang gagawin ng katawan ko! Kaya ayokong ma bh!! Ayoko!!

            “Asan ka na ba kasi??”
            “Relax lang Arj! Dadating din yun! tigilan mo na yang kakahanap mo… baka mabali pa yang leeg mo eh!”
            “Oo nga! Titigil na!” sabay pout ng lips. Binuksan ko na lang yung bag ko saka kumuha ng pagkain mula sa bag ko at yung lumang mp3 ko na bigay pa ni Cilquen nung 16 years old ako. Abroad kasi yung Mama ni Cilquen, nurse tapos nagpadala ng mga gamit, ito yung naipadala para sa kanya. Eh hindi naman daw siya mahilig sa mga ganitong stuff so binigay na lang niya sa kin since mahilig naman ako sa music.

            Habang kumakain ako ng burger, nagpashuffle shuffle ako sa mga kantang andun at isa ang napansin ko… paano, kahit title pa lang nito, si Sol na kaagad ang nagstand out sa utak ko. Kinabit ko yung headset saka sinaksak sa tenga ko

            Now Playing: Sa Isang Sulyap Mo by 143

            ♪♪ Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
            Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko ♪♪

            Bakit kaya ganun?! Basta anjan siya, kahit nakikita ko lang siyang nagshoshoot ng bola o nag-eensayo sa gym o kumakain lang sa canteen kasama ng mga barkada niya, halos mahimatay na ko sa kilig sa tuwing tinitingnan niya ko.. Kahit nga hindi ako yung tinitingnan niya, kinikilig pa rin yung bones ko. Para akong ice cream na binilad under the scorching sun eh, natutunaw ako! tapos sa tuwing naglalapit yung mga balat namin dahil sa sikip ng pila sa canteen, pakiramdam ko sasabog na yung puso ko.

            ♪♪ Bakit kapag nandito ka sumasaya ang araw ko
            Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo ♪♪

            Oo! Siya lang talga ang nakakapagpasaya sa kin ng lubusan. Yun bang kahit bagsak na ko sa examinations ko or sa quiz ko, mawawala lahat ng frustrations at depressions ko basta ba makita ko siya. Kahit nga siguro madapa pa ko, basta ba pagbangon ko, siya ang makikita ko, icoconsider ko ng blessing yung pagkakadapa ko.

            ♪♪ Bakita kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
            Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo ♪♪

            Napangiti ako sa huling linya ng kanta… nauutal talga ako pag siya ang kausap ko. Naalala ko pa nung 3rd year highschool ako, kinausap niya ko nung sa canteen. Hindi lang kinausap kundi hinabol pa at first time yun sa buhay ko! naiwan ko kasi yung sukli ko kasi natataranta na ko sa itsura ng likod ko dahil siya yung kasunod ko sa pila. At dahil nga siya ang kasunod ko, siya yung inutusan nung ale para ibigay sa akin ang sukli ko…

            “Miss.” sabay hawak niya sa braso ko na siyang nagpatigil sa ikot ng mundo ko. Kahit naman nakatalikod ako sa kanya alam na alam ko ng siya na yun! kahit mapipiyok boses niya, malalaman ko pa rin na siya na yun! “Sukli mo oh! Naiwan mo…”

            Hindi ko siya nilingon. Ayokong lingunin siya kasi baka ano pang mangyare sa kin at malaglag na ng tuluyan yung puso ko “A—ah? Ah?! A—no…ano?! Ahh! Oo…”

            “Miss ok ka lang?” tumango lang ako nung tinanong niya ko nun. Hindi talga ako makaharap sa kanya kaya yung ginawa ko, binigay ko sa kanya yung sling bag ko nang hindi pa rin siya tinitingnan

            “O—oo! Oo n—naman… a—ah, lagay niyo n—na lang p—po jan yung s—sukli…” Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nalilito na siya dahil sa ginawa ko pero pasalamat pa rin ako’t sinunod niya yung sinabi ko at inabot sa akin ito at umalis na.

            At pagkatapos ng mga sandaling iyon…mas lalo pang nadagdagan ang bigat ng paghanga ko sa kanya…

            ♪♪ Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
            Nababaliw sa tuwa ang puso ko ♪♪

            “Excuse me miss?!! H—hello?”
            “Ay tae ka~!” gulat kong sabi nung may isang kamay ang nagwe-wave sa harapan ng mata ko. Dun ko lang napagtantong si Sol na pala yun! nasa harapan ko’t kinakausap ako! Uwaaaaa!! AM I DREAMING?!


            Taranta kong in-off dali dali yung mp3 ko saka tinanggal ang headset sa tenga ko at tinago yung cellophane ng burger ko sa bag ko. Oh gosh!

            “P—po? Ako po?” tinuro ko pa ang sarili ko gamit ng index finger ko para iconfirmed kung ako ba talga ang kinakausap niya.
            “Sino pa ba?!”

            Tiningnan ko yung paligid ko, wala naman ako katabi maliban sa tambak na bags at gamit ng mga players.

            “A—ah… He-he-he. Ako nga p—po.. bakit ho?”
            “San ko ilalagay tong bag ko?!”
            “P—po? A—ahh a…ano po, hin—”
            “Dito na lang!! Bantayan mo ng maigi yang bag ko ha?!!”

            At ayun… umalis na si gwapo, at ako naman naiwang nakatanga kasama ng bag niya…

            “Uwaaaaa!” palihim kong pagtili “Totoo ba talga yung kanina?” Sinampal sampal ko pa ang pisngi ko kung totoo ba o multo lang talga yung Sol kanina pero totoo nga!!

            “Yes yes yes!!” lumelevel up na ko ngayon!!! Inuutusan na niya kong magbantay sa bag niya! Uwaaaaa!! Uwaaa help!! Im going to die na sa super kilig!! Waaaaaah! Magbebreak na si bones ko!!

            Pinagpadyak padyak ko na yung paa ko sa sobrang tuwa nung biglang umentra si Cilquen

            “Sayang saya natin ah? Ano? Hindi ba masungit??”
            “Uwaaa Cilquen!! Kinausap niya ko!! Hindi naman siya masungit eh!!” halos yakapin ko na siya sa sobrang saya ko. Kay Cilquen lang naman kasi ako vocal pagdating sa kabaliwan ko kay Sol eh. at ngayon, magdusa siya sa mga kuyog ko! I just can’t help myself from KILIG!!

            “Hindi raw??! Psh. Wag ka ngang sumigaw jan! Nakita ko kayo kanina nag-uusap. Para ka ngang tanga eh.”
            “Ano? Nagmukha akong tanga sa harapan niya?” nalungkot naman ako sa sinabi niya. Ayoko namang maging tanga sa harapan ni Sol ko!
            “Eh kanina pa niya niwave wave yung kamay niya para mapansin mo tapos wala ka pa ring buhay, ngumingiti ngiti ka lang sa harapan niya na parang baliw.”
            “WHAT? GINAWA KO YUN?” hindi talga ako makapaniwala sa sinabi ni Cilquen sa kin! aaaaaaah! Nakakahiya ako!
            “Oo! Teka nga! Wag kang sumigaw!! Ang sakit sa tenga eh!”
            “Eeh sorry! Nadala lang kasi ako eh… tsk! Ginawa ko ba talga yun?”
            “Oo noh! Kitang kita ng dalwang gwapo kong mata yung pagkabaliw mo kanina. Kung ako nasa kalagayan ni Sol nun, matu-turn off ako sayo!”
            “WHAT?!” lumaki yung mata ko na halos ilabas na neto ang eyeballs ko “Meaning naturn off siya sa kin kanina? Naaaaaaah!”

            Mas lalo akong nalungkot sa sinabi ni Cilquen at nagpapadyak sa sahig na parang batang nagtatantrums. Huhuhu. Bakit ka ganun Arj? Chance mo na nga kanina eh tapos sinayang mo lang! Aaaah! Ano ba yan!! Hindi ka na nga sexy, mukha ka pang tanga sa harap niya!! Pano ka mapapansin nun? AAAAAAH!!

            Tinapik lang ni Cilquen yung balikat ko “Ok lang yan bestfriend! Sige na… game na namin. Wish me luck!”

            Matamlay akong sumagot sa kanya “Good luck bestfriend…”

            Malapit ng mag-umpisa yung game kaya pumwesto na ko ng maayos.  Katabi ko pa rin yung bag ni Sol my loves… maingat ko tong binabantayan kasi sa kanya to eh. Mawala na ang pagkain ko wag lang ang mga gamit niya. Sumubo ako ng pangalawang burger nung nag-umpisa na yung game! Pampawala na rin ng panghihinayang sa nangyare kanina.

            “Woooo!” pagsisigaw ko. Syempre pa support support na rin sa bestfriend kong si Cilquen “Go Cilquen!! Go bestfriend!! Whoooo!!”

            Sa first quarter, lamang yung kabila, 6-9 yung nasa scoring board na nasa itaas. 6 kami tapos 9 ang sa kabila. Naku! Kinakabahan ako pero buong buo ang tiwala ko sa team nila Sol my loves… magagaling sila eh! tinuringan ngang pioneer!

            Sa second quarter, umasenso na yung status ng score, 35-29 na. 35 yung sa amin! Kaya syempre, hiyawan na lahat ng tao sa loob nitong gym. Lalo na nung nakashoot si Sol my loves ko na siyang nagpatayo sa akin sa pagkakaupo ko

            “Uwaaaa! Go Sol!! Go #9!! Go #9!!! Wooooh!!” pagsisigaw ko habang nginunguya yung burger ko! inubos ko na nga ito para makapag cheer pa ko ng wagas

            “Go Sol!!!! Go # 9!!!! Woooo!!”

            Narinig ko rin yung ibang kababaihan sa itaas na bleacher na sumisigaw at nagchecheer din para kay Sol. Tingnan niyo? Hindi lang ako ang nagmamahal dito para sa kanya, marami kami!! Wooo! Mahal siya ng bayan talga! ang gwapo rin kasi!! Naaaaah!

            And guess what? Humabol yung kalabang team at umabot yung score sa 37-39. 37 kami tapos sila 39. Uwaaa! 2 points lang ang lamang nila sa amin tapos malapit ng matapos yung oras. Cheer ako ng cheer kay Sol sa abot ng makakaya ko. Kahit hindi man ako yung maging dahilan na ganahan siya sa paglalaro, atleast nagchecheer ako para sa kanya.

            Nakita ko si Cilquen din, malungkot siya nung tiningnan ako. Nakasimangot tapos ewan, wala ding gana. Ano bang problema nito? Maya maya nagvibrate yung phone ko, may text galing sa Smart tapos may isa pang text din, pero kanina pa pala itong text na to, galing kay Cilquen

            From Besho :)))
            I-insert mo naman ako jan sa pagchecheer mo.
            Puro ka na lang Sol eh.
            Katampo tuloy! :(

            Kaya pala malungkot yung gago! Nagcheer naman ako sa kanya kanina ah! Di niya narinig yun?! Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka sinigaw pangalan ng bestfriend ko

            “Go Cilquen!!! Wooooh!!! Go # 6!!! Woooooh!! Go go bestfriend!!!”

            Napatingin sa akin si Cilquen at ngumiti. As in ang laki ng ngiti niya. Ang babaw talga nitong kaibigan ko! Hehehe. ^___^ Cheer lang ako ng cheer sa kanya pati na rin kay Sol sa buong game hanggang sa matapos ito.. and guess what? NANALO KAMI! Woooh!

            Sinalubong ko kaagad ng towel ang bestfriend ko kasabay ng masigarbong bati!

            “Wooo bestfriend! Ang galing mo!! Aper nga!”
            “Syempre naman. Chineer mo eh!”

            At ayun, nag hand shake kaming dalwa. Maya maya, dumating si Sol, lumapit sa akin at… OMYGAD. Feeling ko sasabog na yung puso ko sa kakabog kabog nito lalo na nung lumapit si Sol sa akin

            “Ahh miss? yung bag ko?!”
            “H—Ha? Ahh… oo! Oo!” kinuha ko yung bag na nasa upuan ko tapos inabot sa kanya “E—eto oh!”

            At ayun, tiningnan niya ko. UWAAAAAAA! Feeling ko malulusaw na ko sa tinging binigay niya! Uwaaaaa!! Ang hanep talga ng gabing ito… una kinausap niya ko, pangalawa inihabilin niya sa akin ang bag niya at pangatlo, nakuha na niya akong tingnan! UWAAAAAAA!!!

            Grabeh!! Para siyang alamat!! Ang gwapo gwapo niya!! Ang tangos pa ng ilong at ang ganda pa ng pungay ng mga mata niya!! At kahit pawis na pawis siya, hindi pa rin maaalis ang pagiging gwapo niya!! And he’s so HOT!!! Grabeeeeh! Ang swerte tuloy ng face towel na pinangpunas niya sa mukha niya! Sana pala naging towel na lang ako!! Mwahahaha. Baliw na ko!! Hindi na nga ako makagalaw eh. Nakagalaw lang ako nung tumalikod na siya’t kinalabit ako ni Cilquen at nagsalita malapit pa sa tenga ko

            “Hoy?! Para ka nanamang tanga!! May pa matching pahawak hawak ka pa sa dibdib mo!”
            “Cheee! Tanga na kong tanga noh! Pero grabeeeh Cilquen!! Ang gwapo niya talga… laglag panty ko eh. Nakita mo yun?! Ha?!”
            “Oo! Nakita ko yun! nakita ko lahat ang katangahan mo!! Naku! Hindi malalaglag yang panty mo kasi malakas kapit niyan eh, laki laki kaya ng waistline mo!”

            Binatokan ko nga “Alam mo ikaw?! You’re so mean! Bakit ka ba nagkakaganyan pagdating sa kanya?! Eh noon naman botong boto ka sa kanya! hindi ka naman bitter tsaka napaka supportive mo pa nga eh! Anong nangyare sayo? Ha?!”

            Chineck ko yung mukha niya “Ano? naipis ka ba? nanuno? Or nakakain ng panis na itlog? Ano?!”

            “Ano?! Wala! Psh.” Nagpout bigla yung lips ni Cilquen tapos yung mata parang biglang lumungkot na kala mo batang naubusan ng lollipop “Kahit naman anong mangyare sa akin hindi mo naman mapapansin eh kasi panay Sol ka! puro na lang Sol Sol!!”
            “Hoy ano ba? baka marinig ka niya!”
            “Psh. Sige na! Pahawak ng bag, CR muna ako! Jan ka lang ha?”

            Nag nod lang ako. Hinawakan ko nga bag niya at ayun… nag CR siya. Bumalik ako sa inupuan ko kanina. Bigla na lang nawala si Sol my loves! Asan na kaya yun?! Nagpalinga linga ako sa paligid, pero wala na kong ibang makita kundi yung mga janitor na maglilinis sa gym pagkatapos ng game at ng mga kasamahang players ni Cilquen.

            “Asan kaya yun?!”

            Di bale na lang! atleast nakita ko siya kanina at kinausap pa ko! buo na gabi ko nun kahit yun lang. Malaking tulong na yun sa puso ko noh! Madadagdagan na naman mga iisipin ko sa gabi at idedaydream ko sa umaga. Mhehehehe.

            “Uy Arj! Asan si Cilquen?” ay si Jake nga pala, varsity player at collegemate ko pero never ko pang naging kaklase. BS Biology ata kinuha nito eh. Hehe, oo nga pala BS Chemistry naman yung akin, pareho kami ni Cilquen ng kinuha. At alam niyo ba? Itong si Jake ay pinsang buo ni Sol my loves… hindi naman kami super close ni Jake pero friends kami, nagbabatian kapag nagkakasalubungan sa hallway or nagkakasabayang bumili ng snacks sa canteen. Ganun lang, hi-hello lang kami. Sana nga, maging friends na rin kami ng pinsan niyang si Sol my loves eh… how I wish.

            “Arj?!”
            “Ha?! Ahh.. andun!” sabay nguso ko sa way papuntang CR “Nag CR pa siya.”
            “Ahh ganun ba? sige! Pakisabi na lang mauna na kami.”

            Tumango na lang ako at sila’y umalis na. Ako na lang mag-isa dito. Mga five minutes ata, nag stay lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa magliyab na yung upuan ko. Di jk lang! Ang sinasabi ko lang, mainit na yung pwet ko sa kakahintay kay Cilquen

            “Asan na ba yun?!”

            Tumayo ako para sundan si Cilquen sa CR. Kinuha ko yung bag niya nung may nahulog na face towel. Yumuko ako tapos kinuha ito

            “Kanino kaya ito?!”

            Tiningnan ko ng maigi yung towel at sa hinaba haba ba naman ng pag-examine ko sa towel na yun… napag-alaman kong kay… UWAAAAAAA! Kanino pa ba?

            “Kay Sol to ah!!!” halos pasigaw ko ng naibulalas yung pangalan niya. Paano ba naman kasi? May nakaburdang Pelaez, SG. sa face towel!! Maliit lang pero klarong klaro yung pagkakaburda!

            “UWAAAAAA!!! Talgang kay Sol my loves to! Kasi kung kay Jake Pelaez to, ‘Pelaez, J.’ sana ang nakaburda diba? At kung hindi ako nagkakamali, ito yung towel na ginamit niya kanina! UWAAAAAAAA!!”

            At sa gitna ng happiness ko, may biglang lumapit na janitor sa kin “Miss ok ka lang?!”

            “HAHAHA! Manong!!” halos yakapin ko na si Manong Janitor sa sobrang saya habang hawak hawak ang face towel ni Sol “ANG SAYA SAYA KO PO!! UWAAAA!!”
            “Bakit?!”
            “WAG NA HO KAYONG MAGTANONG MANONG!! ETO PO—“ pinakita ko sa kanya yung towel na hawak ko “NAKATAGPO NA RIN AKO SA WAKAS NG FACE TOWEL NIYA! UWAAAAAA!!”

            Umiiling lang siya “Naku naman miss.. akala ko naman kung ano!”

            “Hoy Manong! Hindi lang po ito kung ano ano lang noh?! Hehehe. BASTA MANOOOONG!!” kumuha ako ng pera sa bulsa ko, bente ang nakuha ko “SAYO NA PO TONG BENTE!! BALATO KO NA LANG SA INYO SA PAGIGING HAPPY KO NGAYON!! UWAAA!!”

            “Ay naku salamat! Pang snack na rin ito! sana makatagpo ka pa ng maraming face towel!” tuwang tuwa pa siya, at mas lalo na ko!
            “Naku… sana nga po!”

            Umalis na rin siya bitbit nung walis niya saka nung malaking trash bin. At ako naman, hinawakan ko ng mahigpit yung face towel ni Sol bago pa man ito mawala at pagsisihan ko pa! Hayy… Panigurado, insomnia na naman aabutin ko neto mamayang gabi! ^_______^

            Minomoment moment ko yung face towel ni Sol. Kahit pa nga amoy pawis na yung towel, keri ko pa rin! Pakiramdam ko nga haplos lang ako ng mga kamay ni Sol eh! Uwaaa! Ang landi ko talga. Mwahahaha.

            Kinakausap ko pa ang towel habang inaamoy ito “Hmm…Hmm…Oh my Sol… ang bango bango ng pawis mo!!”

            At sa gitna ng panglalandi ko sa towel ni Sol, naalala ko si Cilquen “Teka?! Kanina pa yun ah?”

            Kinuha ko yung bag ko saka nagpunta sa Men’s Room, nasa ibaba lang ito ng upper left bleacher. Tahimik yung CR pagdating ko dun. Parang walang tao!

            “Cilquen? Asan ka ba?!” sabi ko pero walang sumagot. Yung mga bakanteng cubicle, in-open ko saka tiningnan. Baka kasi pinaglalaruan na naman ako ng mokong na yun!

            “Cilquen!!!!”
            “Bulaga!!!”
            “Hoy Cilquen Ramos wag ka ngang magtago jan!!”
            “Hoy!! May sasabihin pa naman ako sayo tungkol kay Sol ko!!”     
            “Hoy tikbalang lumabas ka na!!” sinasabi ko sa bawat bukas ko ng cubicle. Napakatigas talga nitong bestfriend ko! wala talga akong narinig na kalabog or imik man lang?! Ayan! One cubicle to go na lang pero nakasarado yun eh.

            Baka si Cilquen na to “Hoy Cilquen! Nagpupu ka ba jan? Bandila na oh lumabas ka na nga!!! May sasabihin ako sayo!!” sabay katok ko ng malakas dun sa pintuan ng cubicle pero hindi ito sumagot, shy type si bestfriend ngayon?
           
            Tumahimik na lang ako sa may gilid at hinihintay ang pagbukas nito.. Ilang segundo lang ang lumipas at bumukas yung pinto. Excited na kong ibalita kay Cilquen yung tungkol sa face towel ni Sol nung pagbukas nito, nalaglag panga ko…

            “S—Sol?!”


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Introduction

0 (mga) komento


Introduction – The Letter


            Tik tok. Tik tok. Dugudog. Dugudog. Tik tok. Tik tok.

            Kasabay ng paglalakad ng long hand at short hand, sumasabay din ang pintig ng puso ko. Paano ba naman kasi, isang minuto na lang ang hihintayin ko’t break time na namin! At kapag break time na, masisilayan ko na ang prinsipe ng buhay ko, ang lalaking ginagahasa ko sa utak ko, ang lalaking laman parati ng panaginip ko at ang lalaking dahilan ng pagda-diet ko! eheemm… malugod ko pong pinapakilala sa inyo… ang love of my life ko! Si…

            “Si Sol George Pelaez!”
            “Hoy Arj, sisigaw sigaw ka na naman?”
            “He-he. ^___^V” Nag peace sign na lang ako sa kanya at sa buong klaseng nabulabog ko. Oo, nabulabog ko talga ang buong klase kasi napasigaw na ko eh. Hindi ko naman mapigilan yung emosyon ko,  irap sa akin ang lahat ng female classmates ko, yung male classmates ko naman pinagtatawanan lang ako at ang professor naming ubod ng sungit, tinaasan lang ako ng kilay. Psh. Mga bruha, ang kKJ!

            “Sorry po!” sabay upo ko. Sinapak kaagad ako ng bestfriend kong si Cilquen, yung lalaking nagsalita kanina. Isa pa tong KJ!
            “Aray ko naman! Bat ka nanapak?”
            “Eh nakakahiya ka eh! Sol ka ng Sol jan! Para kang shunga! Ay hindi pala shunga kasi shunga ka naman talga since then.”

            Tumahimik na lang ako. Ang sungit ni bestfriend eh. Pero uyy! Mabait naman talga yang si Cilquen at tsaka sinusupurtahan nga ako niyan eh lalo na sa pag-ibig ko para kay Sol pero yung kanina, nagalit lang siguro siya kasi binubulabog ko ba naman ang buong mundo? Ahahaha. Pasensya na kayo, basta pagdating kay Sol my loves, nawawala na ko sa mundo ko eh. Si Sol nga pala yung boyfriend ko! Ahahaha. Pero kaya lang kasi, yung pagiging boyfriend niya sa akin eh hindi niya alam. Wish ko lang talga yun! Ayyy. Nangarap na naman ako ng gising!!

            “Yehey!” bulalas ko nung marinig ko ang pagbell. Mehehehe. Im super excited nang makita ang Papa Sol ko!! Uwaaaaaa!
            “Ok class… is dismissed!” Pagkasabi nun ng teacher namin, kaagad kong sinakbit yung mini backpack ko at hinigit ang kamay ni Cilquen palabas ng room.
            “Ano ba naman Arj? End of the world na ba?” sabay tanggal sa kamay niyang mahigpit kong hinawakan

            “Ganun ang mangyayare kapag hindi ko makikita ang Sol my loves ko!”
           
            Sinapak niya ko bigla sa tinuran ko “Eh pwede namang dahan dahan ka no? At kahit pa naman magmadali ka jan para makita yung Sol mo, hinding hindi ka pa rin mapapansin non!”

            “Ouch!! Ang sakit mo namang magsalita!!” hinawakan ko pa ang dibdib ko kasi pakiramdam ko may sumakit sa parte dun “It hurts kaya bestfriend! Mapapansin rin ako nun noh!”

            “At k—kelan? Grabeh, sa pagkakaalam ko kasi simula highschool mo pang kinabaliwan si Sol pero ni letter A man lang sa pangalan mo, hindi alam nun! Shunga!” tapos pinitik niya yung noo ko
            “Aray ko! ang sakit nun ah? Eh malay mo naman kasi Cilquen diba? maybe this time, mapapansin na niya ako’t makikilala!”
            “Osige! Good luck jan sa mga maybe this time mo Arj! Tingnan lang natin kung magkakatotoo ba yan! eh sa dami ba namang babae tsaka baklang nakapila dun? Asa pang mapapansin ka nun!”
            “Magkakatotoo talga to noh! At hayaan mo, kahit aabot hanggang Edsa ang pila, pipila pa rin ako! ganun ko siya kamahal!”
            “Hindi! ganun ka katanga!”


            At ayun! Iniwan nako ng gago! Aish… Sabihin niyo ng tanga ako pero hindi niyo talga mapipigilan ang bugso ng damdamin ko! talgang tumitibok lang itong puso ko para sa lalaking yun! si Sol George Pelaez my loves! At balang araw, mapapalitan din ng Pelaez ang last name ko!! <3

            “Mrs. Arjielyn Pelae—“
            “Arj ano ba??!”
            “Oo nga eh! eto na!” nagmadali akong sumunod kay Cilquen patungo sa locker’s area. Separate yung locker ng boys sa girls pero magkatabi lang sila. After class kasi namin, ugali na naming puntahan ang locker’s area para mag-iwan ng mga mabibigat na libro. Yung mga libro ko, hindi ko yun nilalagay sa bag ko. Kalong ko lang ang mga books ko, yung bag ko kasi… para lang yun sa mga pagkain ko. Mwahahaha!

            “Alam mo? Hindi nako magtataka kung mamatay ka dahil sa pagkatanga. Hindi ka ba talga magmomove on jan kay Sol?? Eh ang sungit sungit nun eh!! Kung naging babae pa yun, ang taray taray nun! Everyday may mens!”
            “Bad mo talga! Wag mo nga siyang siraan! Mabait yun! hindi mo lang alam!”
            “Ahh so ikaw lang ang nakakaalam? Psh. Concern lang naman ako sayo! I-check mo nga yang sarili mo baka may hindi ka napapansing nawawala na!”

            Tiningnan ko naman yung sarili ko, eeeeh? Ano naman ngayon? Wala pa ring pinagbago sa sarili ko, ang taba taba ko pa rin. Hindi pa rin lumalayas yung mga baby fats ko! Ahuhuhuhu!

            “Alam mo? Isa’t kalahati ka talgang baliw! Baliw na baliw jan sa Sol na yan! Tsk3” sabi niya sabay lagay nung books niya sa locker niya.

            Umirap lang ako. Kinuha ko yung susi sa bulsa ko at binuksan yung locker ko saka nilagay ang mga libro ko at nagsalita

            “Baliw na kung baliw… BUT! I was born to love him…” sabay haplos sa mukha niya na nakadikit sa dingding ng locker ko. Ang gwapo niyang talga! nakuha ko pa itong picture na to sa fb niya, sa lahat kasi ng picture niya dun sa album niya, ito ang pinaka favorite ko. Naka behlat kasi siya and that makes him cute…mehehehe.

            “At siya??” tinuro niya yung picture ni Sol “He was born to break your heart!!”
            “Hindi gagawin ng mahal kong Sol yun noh!” I blunted. Kasi hindi naman ako naniniwala sa sinasabi ni Cilquen. Kahit naman naturingang playboy yung Sol ko, hindi naman ako sasaktan nun. Naging playboy lang naman siya dahil sa maraming babaeng umaaligid sa kanya.

            “Hindi pa sa ngayon.. pero hindi mo na pala namamalayang sinasaktan at binibiyak na pala niya unti unti ang puso mo…”
            “Hindi!!! mabait ang Sol my loves ko!!” sabay balabag ng pintuan ng locker ko… at kasabay nun, may nahulog na papel. Ewan ko kung san yun galing pero nung sinarado ko ng malakas yung locker ko, dun lang may nahulog na maliit na papel. Kulay blue…

            Ano naman kaya ito? Scratch paper? Pero sossy siya eh, hindi naman kunot yung texture ng papel niya. Ang tanging marks lang dun ay yung pagkakatupi niya. This must be something… baka naman love letter na to galing kay Sol? Weeeh! Ambisyosa ko masyado.

            Yumuko ako para pulutin ito. Pagbukas ko nito, bumulaga sa akin ang pangalan ko “To Arjielyn Marcial,”

            Para sa akin? Is this for real?? Talga bang may nagpapadala na sa akin ng ganitong letter? Bukod sa invitation letter, ngayon lang ako nakatanggap ng gantong letter sa tanang buhay ko! eh kung talgang love letter nga ito.

            “Ano yan Arj??”
            “Ewan ko…tingnan mo!” pinakita ko sa kanya yung papel.
            “Nakalagay pangalan mo ah! Baka invitation sa pista yan!”

            Ang sama! Binatokan ko nga “Grabi ka talga! hindi naman puro pagkain yung nang-iinvite sa akin noh! Malay mo marriage proposal an to!!”
            “Asa ka pa naman!” bigla niyang inagaw sa kin yung papel, “Ako an titingin para magka-alaman an!”

            Hinayaan ko na lang siya sa ginawa niya, binuksan niya ang nakafold at ako naman palihim na nagdadasal habang nagcross fingers “Sana love letter yan… sana love letter… sana…”

            “Kala mo hindi ko naririnig yang pagdadasal mo jan?!”
            “Hindi ako nagdadasal!” pagdedeny ko “Kumakanta ako! sige na Cilquen!! Basahin mo na!”

            Super excited na kasi ako eh! Uwaaa! Ito na ata yung palihim kong hinihiling kay Wako Wako sa harap ng television set namin! Naaaah!

            “Having a crush to someone is bravery. But before anything else, you go to the fountain first—Uy! You go to the fountain raw!”
            “Talga?! Yan yung sabi jan?!”
            “Oo raw! Tingnan mo!” pinakita niya sa akin yung papel at sa nakasulat dito. May fountain nga dun.
            “Eh pero teka? Sang fountain naman tayo pupunta?! Eh wala pa naman akong nakikitang fountain dito.” Malungkot kong pahayag habang sinasarhan yung locker ko

            “Teka!!” Sigaw ni Cilquen. Nabuhayan naman ako ng loob sa tinuran niya. “Baka dun sa may gilid ng daanan papuntang exit gate. Dun malapit sa Administration Office? May fountain dun eh!”
            “Eh?!” inalala ko kung meron ba talga dun pero wala naman akong maalalang fountain dun “Hindi naman yun fountain eh! parang maliit lang yun an pond eh!” sinapok ko nga pagkatapos sa ulo
            “Aray ko! Ikaw?! Ang brutal mo talga!! Kaw an nga tong tinutulungan eh! at tsaka yun an lang ang nagmumukang fountain dito sa school!”
            “Oo nga noh?! Sige na nga! Baka naman pwede dun!”

            Nagpunta na nga kami dun sa pond na tinatawag nitong ni Cilquen na fountain. Shunga talga to! Pero sige na lang, atleast nga may idea siya eh, ako nga hindi ko naisip yun kaagad! talino talga nitong bestfriend ko!

            “Oh ayan! Andito na tayo. Ano ng sabi sa letter?!”

            Binuksan niya yung naka fold an letter tapos binasa ito “Having a crush to someone is bravery. That’s why, I’m granting you this letter. Write out nine things that you wish your crush would do to you. Trying something can’t bring harm to you. Sincerely, WakoWaka. PS. Maghulog ka ng mahalagang pera sa fountain as exchange. H—hala! My nakapansin an ata sa kabaliwan mo kay Sol Arj!”
            “Eeh? Hindi kabaliwan yun noh! Pagmamahal to! Teka teka! Patingin nga muna!” kinuha ko yung papel an hawak ni Cilquen tapos tiningnan kung totoo ba talga yung binasa ni Cilquen kanina…at totoo nga siya.
            “Sino naman si WakoWaka?”
            “Aba malay! Pero diba? character yan sa ABS-CBN? Si Wako Wako?!”
            Sinapak ko nga ito sa ulo “Shunga ka talga! kilala ko naman si Wako Wako eh! pero itong WakoWaka an sender an to? Sino to?!”
            “Aba malay nga! Baka kambal to ni Wako Wako! Mwahahaha!”

            Sinampal ko na light si Cilquen dahil sa tinuran niya. Seryoso ako dito tapos siya?? Psh.

            “Aray ko naman! Akin na nga yan! Tapon na lang natin!!wala naman ata yang kabuluhan eh. manghihingi pa ng pera?” sabi niya sabay iling

            Inagaw niya sa akin yung papel pero nahawakan ko naman to ng mahigpit, buti nga hindi napunit eh “Wag mo tong itapon” I said “Malay mo totoo ito..”

            “Totoong alin?”
            “Na… kapag sinulat ko dito yung mga kahilingan ko, magkakatotoo.”
            “Ewan… pero gaya nga ng sabi niya, there’s no harm in trying naman!”
            “So?” gulat an gulat yung reaction ko sa sinabi ng aking bestfriend, I was expecting kasi an tututol siya’t hindi siya papayag “So meaning ok lang sayong sundin ko yung sinasabi nung letter?”

            Tumango siya “Shunga ka naman eh! Tsaka kung kaligayahan mo naman yun, bakit ko pipigilan?”

            “Yehey!! The best ka talga na bestfriend Cilquen!! Kaya nga loves na loves kita eh!” sabay hug ko sa kanya dahil sa sobrang tuwang namayani sa puso ko ngayon dahil sa pagpayag niya
            “Talga? Loves na loves mo ko kaysa kay Sol?”
           
            Natahimik ako sa tanong ni Cilquen “Eh syempre… mas loves kita. Pero loves ko rin si Sol! Basta… ibang level naman yung sa kanya!”

            “Hehe. Binibiro lang naman kita Arj. Sige na… Basta wag ka lang mag expect na magkakatotoo lahat ng isusulat mo jan! Ok?”
            “Ok! He-he. Akin n—“
            “Wait wait!” sabay layo niya sa papel, “Wag ka ring mag assume, ok?”
            “ok ok!! Akin na!” binigay ni Cilquen yung letter sa kin. Nagmadali kaagad akong kumuha ng ballpen saka sinulatan ang letter an yun ng mga wishes ko…


            Wish Ko Kay WakoWaka
1.     Ihatid niya ko sa bahay.
2.     Tatawagin niya ang pangalan ko gamit ng microphone.
3.     Makatabi siya sa isang maliit an sofa habang ka hug ako.
4.     Magkaroon kaming dalwa ng couple shirt.
5.     Makalaba sa mga brief niya.
6.     Kumain ng ice cream habang umuulan.
7.     Makita siyang kumakain ng burger an super anghang.
8.     Bigyan ako ng remembrance.
9.     I-wallpaper niya ang pic ko sa phone niya.

            And after asdfghjklove years, natapos ko rin ang pagpupuno nung nine slots sa letter.

            “Oh? Tapos ka na?!”

            Tumango lang ako sa tanong ni Cilquen.

            “Akin na! patingin muna!” kinuha niya yung sulat an sinulatan ko an saka binasa.

            At nung matapos niyang basahin “Howhatthe!! Napaka-impusible naman ng mga wish mo Arj! Ni paghawak nga lang sa kamay ni Sol, hindi mo pa nagawa, ito pa kaya? Baka mahirapan si WakoWaka nito?”

            “Relax lang bestfriend… kaw na nga mismong nagsabi diba? There’s no harm in trying!”
            “Sa bagay.”

            Kumuha kaagad ako ng pera sa wallet ko. Piso ang kinuha ko.. Yung piso an yun, matagal an matagal ko ng tinatago. Yun yung piso an sukli ng ice cream vendor sa akin nung nanglibre ako ng ice cream kay Cilquen at sa isa pa naming bestfriend, si MC. Tatlo kaming close at ako lang ang babae. Minsan nga napagkakamalan akong tomboy eh kasi dalwa silang lalaki an kasa-kasama ko parati.

            Alam niyo ba yung mga panahon an yun, yun an pala ang huling sandaling magkakasama kaming tatlo, kasi pagkatapos nun nawala an lang bigla si MC. Nabalitaan an lang namin ni Cilquen an umalis an pala sila ng family niya at namuhay an dun sa States. Ang lungkot ko nga nun eh. Pero kalaunan naman, natanggap ko an… happy naman ako kasi anjan pa si Cilquen para sa akin.

            “Isa-sacrifice mo talga yan?! Yan yung pisong sukli nung ice cream vendor diba?!”

            Tumango lang ako. Lumapit ako sa may pond habang hawak hawak yung piso ng dalwang kamay ko malapit sa dibdib ko at bumulong “Hoy WakoWaka…kung sino ka man, ingatan mo tong piso ko kasi mahalaga to sa akin at sana… tuparin mo yung mga sinulat ko.”

            Hinagis ko yung piso sa pond at nilapitan kaagad siya ng mga isdang naglalanguyan dun, akala nila siguro pagkain yung hinagis ko.  
           
            Hayy… Good bye piso! Im gonna miss you. :(

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
 
Copyright © Ashlei Marjoree