Love Story By Glass Wall By Melai Quilla
My dearest message to Ate Melai,
Ate Melai. Bad ka! You're so bad!! Napakasama mo!! :((((((((( Hindi ko alam pero nung nasa bandang chapter seven na ako until natapos, iyak na lang ako ng iyak nang hindi ko alam. Wala naman po akong boyfriend at mas lalong wala akong asawa pero WHY? Waaaaaaah! Naiyak ako sa kwentong Love Story By Glass Wall. Bakit ka ganun na writer? Bakit napaka galing mo? San mo hinuhugot ang lakas para magpaiyak ng isang uyamot na reader na katulad ko? EXPLAIN! Ugh ate. T____T The story ends with a happy ending yet iyak ako ng iyak. :(( Grabeh, ang galing mo! Napaiyak mo ko with this story of yours. Kahit sa love story by headlines pa lang, swak na swak pa rin yung oras na ginugol ko para basahin ang story mo. Wala akong permanenteng internet connection but i had still manange to save the 10 web pages just to read it kasi alam kung topakin ang wifi sa amin at miminsan lang ako maka konek. Plano ko talgang mag siesta after lunch kaso nung naalala ko yung story na sinave ko, binasa ko iyon pero wala sa plano ko ang basahin yun all through out. Pero grabe, i just did it. BINASA KO TALGA SIYA NG BONGGANG BONGGA TO THE POINT NA NAGLABASAN YUNG LUHA SA MGA MATA KO. Matagal matagal na rin ng hindi ako nakaiyak pero it's all worth it. Ang haba na ng litanya ko but anyway ate, IM ALREADY YOUR FAN! It would be so nice to meet someone like you and talk to you just like this. Im very fortunate to meet you and read your stories. :)) Just after I've read the sequel, gusto ko na ulit mainlove at makatagpo ng isa pang Zyren sa mundo and be his Leanne forever and always. Iloveyou ate!! Continue inspiring others. :)) You're a blessing! :*
Sabado, Setyembre 8, 2012
Biyernes, Setyembre 7, 2012
Chapter One
Chapter ONE
“Bestfriend!! Dalian mo naman jan
oh!!”
“Oo na nga eh! teka… binibilisan an
nga!”
Nandito
ako sa bahay ni Cilquen. May basketball game kasi mamaya sa school at kasali
itong bestfriend ko pati na ang Sol my loves ko <3!! Kung hindi ko pa
nasabi, hindi pocho pocho itong bestfriend ko noh! Kasali to sa varsity sa
school! AT!! Ganun din ang Sol my loves ko!! Nag champion na nga sila sa iba’t
ibang contest eh! At ngayon, pagkakataon ko na namang makalapit kay Sol my
loves ko at ipakita sa kanya ang wagas kong LOVE! Ayeeee!
Kaya
nga kanina pa ko sigaw ng sigaw dito kay Cilquen eh. Hindi na ko mapakali kasi
ang tagal makabihis animo magsusuot pa ng bra at panty, parang babae!! Ang
cheber talga!! Baka mahuli pa kaming dalwa. Worried na worried na nga ako. My
gosh!!
“Cilquen!! Ano ba??”
Iniluwa
ng pintuan ng room niya itong si Cilquen, minamadaling isuot yung pang-itaas an
jersey niya. Ayy nako gosh, ang yummy ni bespren! UWAAA!
Ayan
ka na naman Arj!! Pati sarili mong bespren nilalandi mo!! Huy gising girl!! matutulala
na sana ako sa harapan niya nung nagsalita siya, “Eto na nga oh! Grabeh ka talga basta pagdating kay Sol!!
Josko.”
“Wag ng madaming satsat! Lets go na!!
Oh? Akin na nga yang bag mo!!” sabay kuha sa bag niya. My gosh. Ang yummy ni bespren
pero kay Sol my loves pa rin ako. PROMISE.
“Kumpleto na ba to?” tanong ko kay Cilquen
habang chenecheck ang laman ng bag niya.
“Oo!”
“May towel na dito? Pagkain? Snacks?”
“Oo
anjan na lahat!”
“Ok! Eh tubig?!”
“Isang
baldeng tubig ang nanjajan Arj! Kahit maligo pa si Sol mamaya, pwede!!”
“To naman! Sige na! dalian mo na
jan!”
Uwaaaa! Andito an kami sa
school! Gurabeehh, nasa labas pa nga kami ng gym, maririnig na talga yung ingay
mula sa loob. Iniimagine ko an tuloy, rumarampa an si Sol my loves ko.. AYEEEE!
“Excited na kong makita siya!!” excited kong
pagbulong sa sarili ko.
At
dahil nga isa sa basketball player itong si Cilquen, syempre ako na bestfriend
niya, VIP! Ahahaha. I mean, maaari akong umupo malapit sa lagayan nila ng
gamit, sa ground chuchu? Ano ba tawag dun? Basta! So ayun… pagpasok ko pa lang,
tentenenen!! sino pa ba ang hahanapin? Edi ang prince charming ng buhay ko
“Asan an kaya yung boyfriend ko?” palinga linga ako
sa paligid hinahanap siya. Sinuyod ng mata ko ang buong gym kaso wala akong
makitang gwapong Sol George Pelaez eh. Ahuhuhu. Kalungkot tuloy!
Umupo
an lang ako sa may gilid katabi ni Cilquen at humalumbabang naghahanap pa rin
kay Sol “Asan an kaya
yun?”
“Late lang siguro yun.” napatingin ako bigla
kay Cilquen. Narinig niya pala ang sinabi ko “Wag kang mag-alala…dadating yun.”
Dahil
sa sinabi ni Cilquen, nabuhayan ako ng pag-asa! Nung una kasing game nila, wala
si Sol. Nalungkot nga ako nun eh! Kasi naghanda pa talga ako ng banner nun pang
cheer para sa kanya at sa bestfriend ko kaso hindi naman siya dumating,
nabroken-hearted tuloy ako nun! Kaya ngayon… please! Tawagin niyo na lahat ng
mga santo, ipagdasal nati’y sana dumating si Sol my loves ko kundi… broken hearted
na naman ako! :< At kapag broken hearted ako? hindi niyo magugustuhan kung
ano ang gagawin ng katawan ko! Kaya ayokong ma bh!! Ayoko!!
“Asan ka na ba kasi??”
“Relax lang Arj! Dadating din yun!
tigilan mo na yang kakahanap mo… baka mabali pa yang leeg mo eh!”
“Oo nga! Titigil na!” sabay
pout ng lips. Binuksan ko na lang yung bag ko saka kumuha ng pagkain mula sa
bag ko at yung lumang mp3 ko na bigay pa ni Cilquen nung 16 years old ako. Abroad
kasi yung Mama ni Cilquen, nurse tapos nagpadala ng mga gamit, ito yung
naipadala para sa kanya. Eh hindi naman daw siya mahilig sa mga ganitong stuff
so binigay na lang niya sa kin since mahilig naman ako sa music.
Habang
kumakain ako ng burger, nagpashuffle shuffle ako sa mga kantang andun at isa
ang napansin ko… paano, kahit title pa lang nito, si Sol na kaagad ang nagstand
out sa utak ko. Kinabit ko yung headset saka sinaksak sa tenga ko
♪♪ Bakit kapag tumitingin ka
natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog
ang puso ko ♪♪
Bakit
kaya ganun?! Basta anjan siya, kahit nakikita ko lang siyang nagshoshoot ng
bola o nag-eensayo sa gym o kumakain lang sa canteen kasama ng mga barkada
niya, halos mahimatay na ko sa kilig sa tuwing tinitingnan niya ko.. Kahit nga
hindi ako yung tinitingnan niya, kinikilig pa rin yung bones ko. Para akong ice
cream na binilad under the scorching sun eh, natutunaw ako! tapos sa tuwing
naglalapit yung mga balat namin dahil sa sikip ng pila sa canteen, pakiramdam
ko sasabog na yung puso ko.
♪♪ Bakit kapag nandito
ka sumasaya ang araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang
walang gulo ♪♪
Oo!
Siya lang talga ang nakakapagpasaya sa kin ng lubusan. Yun bang kahit bagsak na
ko sa examinations ko or sa quiz ko, mawawala lahat ng frustrations at
depressions ko basta ba makita ko siya. Kahit nga siguro madapa pa ko, basta ba
pagbangon ko, siya ang makikita ko, icoconsider ko ng blessing yung pagkakadapa
ko.
♪♪ Bakita kapag nakikita ka parang
nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal
sayo ♪♪
Napangiti
ako sa huling linya ng kanta… nauutal talga ako pag siya ang kausap ko. Naalala
ko pa nung 3rd year highschool ako, kinausap niya ko nung sa
canteen. Hindi lang kinausap kundi hinabol pa at first time yun sa buhay ko! naiwan
ko kasi yung sukli ko kasi natataranta na ko sa itsura ng likod ko dahil siya
yung kasunod ko sa pila. At dahil nga siya ang kasunod ko, siya yung inutusan
nung ale para ibigay sa akin ang sukli ko…
“Miss.” sabay hawak niya sa braso ko na siyang nagpatigil sa
ikot ng mundo ko. Kahit naman nakatalikod ako sa kanya alam na alam ko ng siya
na yun! kahit mapipiyok boses niya, malalaman ko pa rin na siya na yun! “Sukli mo oh! Naiwan mo…”
Hindi ko siya nilingon. Ayokong lingunin
siya kasi baka ano pang mangyare sa kin at malaglag na ng tuluyan yung puso ko “A—ah? Ah?! A—no…ano?! Ahh!
Oo…”
“Miss
ok ka lang?” tumango lang ako
nung tinanong niya ko nun. Hindi talga ako makaharap sa kanya kaya yung ginawa
ko, binigay ko sa kanya yung sling bag ko nang hindi pa rin siya tinitingnan
“O—oo!
Oo n—naman… a—ah, lagay niyo n—na lang p—po jan yung s—sukli…” Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nalilito na
siya dahil sa ginawa ko pero pasalamat pa rin ako’t sinunod niya yung sinabi ko
at inabot sa akin ito at umalis na.
At pagkatapos ng mga sandaling
iyon…mas lalo pang nadagdagan ang bigat ng paghanga ko sa kanya…
♪♪
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw
sa tuwa ang puso ko ♪♪
“Excuse me miss?!! H—hello?”
“Ay tae ka~!” gulat kong sabi
nung may isang kamay ang nagwe-wave sa harapan ng mata ko. Dun ko lang
napagtantong si Sol na pala yun! nasa harapan ko’t kinakausap ako! Uwaaaaa!! AM
I DREAMING?!
Taranta
kong in-off dali dali yung mp3 ko saka tinanggal ang headset sa tenga ko at
tinago yung cellophane ng burger ko sa bag ko. Oh gosh!
“P—po? Ako po?” tinuro ko pa ang
sarili ko gamit ng index finger ko para iconfirmed kung ako ba talga ang
kinakausap niya.
“Sino pa ba?!”
Tiningnan
ko yung paligid ko, wala naman ako katabi maliban sa tambak na bags at gamit ng
mga players.
“A—ah… He-he-he. Ako nga p—po..
bakit ho?”
“San ko ilalagay tong bag ko?!”
“P—po? A—ahh a…ano po, hin—”
“Dito na lang!! Bantayan mo ng maigi
yang bag ko ha?!!”
At
ayun… umalis na si gwapo, at ako naman naiwang nakatanga kasama ng bag niya…
“Uwaaaaa!” palihim kong pagtili “Totoo ba talga yung kanina?”
Sinampal sampal ko pa ang pisngi ko kung totoo ba o multo lang talga
yung Sol kanina pero totoo nga!!
“Yes yes yes!!” lumelevel up na ko
ngayon!!! Inuutusan na niya kong magbantay sa bag niya! Uwaaaaa!! Uwaaa help!!
Im going to die na sa super kilig!! Waaaaaah! Magbebreak na si bones ko!!
Pinagpadyak
padyak ko na yung paa ko sa sobrang tuwa nung biglang umentra si Cilquen
“Sayang saya natin ah? Ano? Hindi ba
masungit??”
“Uwaaa Cilquen!! Kinausap niya ko!!
Hindi naman siya masungit eh!!” halos yakapin ko na siya sa sobrang saya ko. Kay Cilquen
lang naman kasi ako vocal pagdating sa kabaliwan ko kay Sol eh. at ngayon,
magdusa siya sa mga kuyog ko! I just can’t help myself from KILIG!!
“Hindi raw??! Psh. Wag ka ngang
sumigaw jan! Nakita ko kayo kanina nag-uusap. Para ka ngang tanga eh.”
“Ano? Nagmukha akong tanga sa
harapan niya?” nalungkot naman ako sa sinabi niya. Ayoko namang maging
tanga sa harapan ni Sol ko!
“Eh
kanina pa niya niwave wave yung kamay niya para mapansin mo tapos wala ka pa
ring buhay, ngumingiti ngiti ka lang sa harapan niya na parang baliw.”
“WHAT?
GINAWA KO YUN?” hindi talga ako makapaniwala sa sinabi ni Cilquen
sa kin! aaaaaaah! Nakakahiya ako!
“Oo! Teka nga! Wag kang sumigaw!! Ang
sakit sa tenga eh!”
“Eeh
sorry! Nadala lang kasi ako eh… tsk! Ginawa ko ba talga yun?”
“Oo noh! Kitang kita ng dalwang
gwapo kong mata yung pagkabaliw mo kanina. Kung ako nasa kalagayan ni Sol nun,
matu-turn off ako sayo!”
“WHAT?!” lumaki yung mata ko
na halos ilabas na neto ang eyeballs ko “Meaning naturn off siya sa kin kanina? Naaaaaaah!”
Mas
lalo akong nalungkot sa sinabi ni Cilquen at nagpapadyak sa sahig na parang
batang nagtatantrums. Huhuhu. Bakit ka ganun Arj? Chance mo na nga kanina eh
tapos sinayang mo lang! Aaaah! Ano ba yan!! Hindi ka na nga sexy, mukha ka pang
tanga sa harap niya!! Pano ka mapapansin nun? AAAAAAH!!
Tinapik
lang ni Cilquen yung balikat ko “Ok
lang yan bestfriend! Sige na… game na namin. Wish me luck!”
Matamlay
akong sumagot sa kanya “Good
luck bestfriend…”
Malapit
ng mag-umpisa yung game kaya pumwesto na ko ng maayos. Katabi ko pa rin yung bag ni Sol my loves…
maingat ko tong binabantayan kasi sa kanya to eh. Mawala na ang pagkain ko wag
lang ang mga gamit niya. Sumubo ako ng pangalawang burger nung nag-umpisa na
yung game! Pampawala na rin ng panghihinayang sa nangyare kanina.
“Woooo!” pagsisigaw ko.
Syempre pa support support na rin sa bestfriend kong si Cilquen “Go Cilquen!! Go bestfriend!!
Whoooo!!”
Sa
first quarter, lamang yung kabila, 6-9 yung nasa scoring board na nasa itaas. 6
kami tapos 9 ang sa kabila. Naku! Kinakabahan ako pero buong buo ang tiwala ko
sa team nila Sol my loves… magagaling sila eh! tinuringan ngang pioneer!
Sa
second quarter, umasenso na yung status ng score, 35-29 na. 35 yung sa amin!
Kaya syempre, hiyawan na lahat ng tao sa loob nitong gym. Lalo na nung
nakashoot si Sol my loves ko na siyang nagpatayo sa akin sa pagkakaupo ko
“Uwaaaa! Go Sol!! Go #9!! Go #9!!!
Wooooh!!” pagsisigaw
ko habang nginunguya yung burger ko! inubos ko na nga ito para makapag cheer pa
ko ng wagas
“Go Sol!!!! Go # 9!!!! Woooo!!”
Narinig
ko rin yung ibang kababaihan sa itaas na bleacher na sumisigaw at nagchecheer
din para kay Sol. Tingnan niyo? Hindi lang ako ang nagmamahal dito para sa
kanya, marami kami!! Wooo! Mahal siya ng bayan talga! ang gwapo rin kasi!! Naaaaah!
And
guess what? Humabol yung kalabang team at umabot yung score sa 37-39. 37 kami
tapos sila 39. Uwaaa! 2 points lang ang lamang nila sa amin tapos malapit ng
matapos yung oras. Cheer ako ng cheer kay Sol sa abot ng makakaya ko. Kahit
hindi man ako yung maging dahilan na ganahan siya sa paglalaro, atleast
nagchecheer ako para sa kanya.
Nakita
ko si Cilquen din, malungkot siya nung tiningnan ako. Nakasimangot tapos ewan,
wala ding gana. Ano bang problema nito? Maya maya nagvibrate yung phone ko, may
text galing sa Smart tapos may isa pang text din, pero kanina pa pala itong
text na to, galing kay Cilquen
From
Besho :)))
I-insert mo naman ako jan sa
pagchecheer mo.
Puro ka na lang Sol eh.
Katampo tuloy! :(
Kaya
pala malungkot yung gago! Nagcheer naman ako sa kanya kanina ah! Di niya
narinig yun?! Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka sinigaw pangalan ng
bestfriend ko
“Go Cilquen!!! Wooooh!!! Go # 6!!!
Woooooh!! Go go bestfriend!!!”
Napatingin
sa akin si Cilquen at ngumiti. As in ang laki ng ngiti niya. Ang babaw talga
nitong kaibigan ko! Hehehe. ^___^ Cheer lang ako ng cheer sa kanya pati na rin
kay Sol sa buong game hanggang sa matapos ito.. and guess what? NANALO KAMI!
Woooh!
Sinalubong
ko kaagad ng towel ang bestfriend ko kasabay ng masigarbong bati!
“Wooo bestfriend! Ang galing mo!!
Aper nga!”
“Syempre naman. Chineer mo eh!”
At
ayun, nag hand shake kaming dalwa. Maya maya, dumating si Sol, lumapit sa akin
at… OMYGAD. Feeling ko sasabog na yung puso ko sa kakabog kabog nito lalo na
nung lumapit si Sol sa akin
“Ahh miss? yung bag ko?!”
“H—Ha? Ahh… oo! Oo!” kinuha ko yung bag
na nasa upuan ko tapos inabot sa kanya “E—eto oh!”
At
ayun, tiningnan niya ko. UWAAAAAAA! Feeling ko malulusaw na ko sa tinging
binigay niya! Uwaaaaa!! Ang hanep talga ng gabing ito… una kinausap niya ko,
pangalawa inihabilin niya sa akin ang bag niya at pangatlo, nakuha na niya
akong tingnan! UWAAAAAAA!!!
Grabeh!!
Para siyang alamat!! Ang gwapo gwapo niya!! Ang tangos pa ng ilong at ang ganda
pa ng pungay ng mga mata niya!! At kahit pawis na pawis siya, hindi pa rin
maaalis ang pagiging gwapo niya!! And he’s so HOT!!! Grabeeeeh! Ang swerte
tuloy ng face towel na pinangpunas niya sa mukha niya! Sana pala naging towel
na lang ako!! Mwahahaha. Baliw na ko!! Hindi na nga ako makagalaw eh. Nakagalaw
lang ako nung tumalikod na siya’t kinalabit ako ni Cilquen at nagsalita malapit
pa sa tenga ko
“Hoy?! Para ka nanamang tanga!! May
pa matching pahawak hawak ka pa sa dibdib mo!”
“Cheee! Tanga na kong tanga noh!
Pero grabeeeh Cilquen!! Ang gwapo niya talga… laglag panty ko eh. Nakita mo
yun?! Ha?!”
“Oo! Nakita ko yun! nakita ko lahat
ang katangahan mo!! Naku! Hindi malalaglag yang panty mo kasi malakas kapit
niyan eh, laki laki kaya ng waistline mo!”
Binatokan
ko nga “Alam mo ikaw?! You’re so
mean! Bakit ka ba nagkakaganyan pagdating sa kanya?! Eh noon naman botong boto
ka sa kanya! hindi ka naman bitter tsaka napaka supportive mo pa nga eh! Anong
nangyare sayo? Ha?!”
Chineck
ko yung mukha niya “Ano?
naipis ka ba? nanuno? Or nakakain ng panis na itlog? Ano?!”
“Ano?! Wala! Psh.” Nagpout bigla yung
lips ni Cilquen tapos yung mata parang biglang lumungkot na kala mo batang
naubusan ng lollipop “Kahit
naman anong mangyare sa akin hindi mo naman mapapansin eh kasi panay Sol ka!
puro na lang Sol Sol!!”
“Hoy ano ba? baka marinig ka niya!”
“Psh.
Sige na! Pahawak ng bag, CR muna ako! Jan ka lang ha?”
Nag
nod lang ako. Hinawakan ko nga bag niya at ayun… nag CR siya. Bumalik ako sa
inupuan ko kanina. Bigla na lang nawala si Sol my loves! Asan na kaya yun?!
Nagpalinga linga ako sa paligid, pero wala na kong ibang makita kundi yung mga
janitor na maglilinis sa gym pagkatapos ng game at ng mga kasamahang players ni
Cilquen.
“Asan kaya yun?!”
Di
bale na lang! atleast nakita ko siya kanina at kinausap pa ko! buo na gabi ko
nun kahit yun lang. Malaking tulong na yun sa puso ko noh! Madadagdagan na
naman mga iisipin ko sa gabi at idedaydream ko sa umaga. Mhehehehe.
“Uy Arj! Asan si Cilquen?” ay si Jake nga
pala, varsity player at collegemate ko pero never ko pang naging kaklase. BS
Biology ata kinuha nito eh. Hehe, oo nga pala BS Chemistry naman yung akin,
pareho kami ni Cilquen ng kinuha. At alam niyo ba? Itong si Jake ay pinsang buo
ni Sol my loves… hindi naman kami super close ni Jake pero friends kami,
nagbabatian kapag nagkakasalubungan sa hallway or nagkakasabayang bumili ng
snacks sa canteen. Ganun lang, hi-hello lang kami. Sana nga, maging friends na
rin kami ng pinsan niyang si Sol my loves eh… how I wish.
“Arj?!”
“Ha?! Ahh.. andun!” sabay nguso ko sa
way papuntang CR “Nag CR
pa siya.”
“Ahh ganun ba? sige! Pakisabi na
lang mauna na kami.”
Tumango
na lang ako at sila’y umalis na. Ako na lang mag-isa dito. Mga five minutes
ata, nag stay lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa magliyab na yung upuan ko.
Di jk lang! Ang sinasabi ko lang, mainit na yung pwet ko sa kakahintay kay Cilquen
“Asan na ba yun?!”
Tumayo
ako para sundan si Cilquen sa CR. Kinuha ko yung bag niya nung may nahulog na
face towel. Yumuko ako tapos kinuha ito
“Kanino kaya ito?!”
Tiningnan
ko ng maigi yung towel at sa hinaba haba ba naman ng pag-examine ko sa towel na
yun… napag-alaman kong kay… UWAAAAAAA! Kanino pa ba?
“Kay Sol to ah!!!” halos pasigaw ko ng
naibulalas yung pangalan niya. Paano ba naman kasi? May nakaburdang Pelaez, SG.
sa face towel!! Maliit lang pero klarong klaro yung pagkakaburda!
“UWAAAAAA!!! Talgang kay Sol
my loves to! Kasi kung kay Jake Pelaez to, ‘Pelaez, J.’ sana ang nakaburda
diba? At kung hindi ako nagkakamali, ito yung towel na ginamit niya kanina! UWAAAAAAAA!!”
At
sa gitna ng happiness ko, may biglang lumapit na janitor sa kin “Miss ok ka lang?!”
“HAHAHA! Manong!!” halos yakapin ko na
si Manong Janitor sa sobrang saya habang hawak hawak ang face towel ni Sol “ANG SAYA SAYA KO PO!!
UWAAAA!!”
“Bakit?!”
“WAG NA HO KAYONG MAGTANONG
MANONG!! ETO PO—“ pinakita ko sa kanya yung towel na hawak ko “NAKATAGPO NA RIN AKO SA WAKAS
NG FACE TOWEL NIYA! UWAAAAAA!!”
Umiiling
lang siya “Naku naman miss..
akala ko naman kung ano!”
“Hoy Manong! Hindi lang po ito kung
ano ano lang noh?! Hehehe. BASTA MANOOOONG!!” kumuha ako ng pera sa bulsa ko,
bente ang nakuha ko “SAYO
NA PO TONG BENTE!! BALATO KO NA LANG SA INYO SA PAGIGING HAPPY KO NGAYON!!
UWAAA!!”
“Ay naku salamat! Pang snack na rin
ito! sana makatagpo ka pa ng maraming face towel!” tuwang tuwa pa
siya, at mas lalo na ko!
“Naku… sana nga po!”
Umalis
na rin siya bitbit nung walis niya saka nung malaking trash bin. At ako naman, hinawakan
ko ng mahigpit yung face towel ni Sol bago pa man ito mawala at pagsisihan ko
pa! Hayy… Panigurado, insomnia na naman aabutin ko neto mamayang gabi!
^_______^
Minomoment
moment ko yung face towel ni Sol. Kahit pa nga amoy pawis na yung towel, keri
ko pa rin! Pakiramdam ko nga haplos lang ako ng mga kamay ni Sol eh! Uwaaa! Ang
landi ko talga. Mwahahaha.
Kinakausap
ko pa ang towel habang inaamoy ito “Hmm…Hmm…Oh my Sol… ang bango bango ng pawis mo!!”
At
sa gitna ng panglalandi ko sa towel ni Sol, naalala ko si Cilquen “Teka?! Kanina pa yun ah?”
Kinuha
ko yung bag ko saka nagpunta sa Men’s Room, nasa ibaba lang ito ng upper left
bleacher. Tahimik yung CR pagdating ko dun. Parang walang tao!
“Cilquen? Asan ka ba?!” sabi ko pero walang
sumagot. Yung mga bakanteng cubicle, in-open ko saka tiningnan. Baka kasi
pinaglalaruan na naman ako ng mokong na yun!
“Cilquen!!!!”
“Bulaga!!!”
“Hoy Cilquen Ramos wag ka ngang
magtago jan!!”
“Hoy!! May sasabihin pa naman ako
sayo tungkol kay Sol ko!!”
“Hoy tikbalang lumabas ka na!!” sinasabi ko sa bawat
bukas ko ng cubicle. Napakatigas talga nitong bestfriend ko! wala talga akong
narinig na kalabog or imik man lang?! Ayan! One cubicle to go na lang pero
nakasarado yun eh.
Baka
si Cilquen na to “Hoy
Cilquen! Nagpupu ka ba jan? Bandila na oh lumabas ka na nga!!! May sasabihin
ako sayo!!” sabay katok ko ng malakas dun sa pintuan ng cubicle pero
hindi ito sumagot, shy type si bestfriend ngayon?
Tumahimik
na lang ako sa may gilid at hinihintay ang pagbukas nito.. Ilang segundo lang
ang lumipas at bumukas yung pinto. Excited na kong ibalita kay Cilquen yung
tungkol sa face towel ni Sol nung pagbukas nito, nalaglag panga ko…
“S—Sol?!”
Introduction
Introduction – The Letter
Tik tok. Tik tok. Dugudog. Dugudog.
Tik tok. Tik tok.
Kasabay
ng paglalakad ng long hand at short hand, sumasabay din ang pintig ng puso ko.
Paano ba naman kasi, isang minuto na lang ang hihintayin ko’t break time na
namin! At kapag break time na, masisilayan ko na ang prinsipe ng buhay ko, ang
lalaking ginagahasa ko sa utak ko, ang lalaking laman parati ng panaginip ko at
ang lalaking dahilan ng pagda-diet ko! eheemm… malugod ko pong pinapakilala sa
inyo… ang love of my life ko! Si…
“Si Sol George Pelaez!”
“Hoy Arj, sisigaw sigaw ka na
naman?”
“He-he. ^___^V” Nag peace sign na
lang ako sa kanya at sa buong klaseng nabulabog ko. Oo, nabulabog ko talga ang
buong klase kasi napasigaw na ko eh. Hindi ko naman mapigilan yung emosyon ko, irap sa akin ang lahat ng female classmates
ko, yung male classmates ko naman pinagtatawanan lang ako at ang professor
naming ubod ng sungit, tinaasan lang ako ng kilay. Psh. Mga bruha, ang kKJ!
“Sorry po!” sabay upo ko. Sinapak
kaagad ako ng bestfriend kong si Cilquen, yung lalaking nagsalita kanina. Isa
pa tong KJ!
“Aray ko naman! Bat ka nanapak?”
“Eh nakakahiya ka eh! Sol ka ng Sol
jan! Para kang shunga! Ay hindi pala shunga kasi shunga ka naman talga since
then.”
Tumahimik
na lang ako. Ang sungit ni bestfriend eh. Pero uyy! Mabait naman talga yang si Cilquen
at tsaka sinusupurtahan nga ako niyan eh lalo na sa pag-ibig ko para kay Sol
pero yung kanina, nagalit lang siguro siya kasi binubulabog ko ba naman ang
buong mundo? Ahahaha. Pasensya na kayo, basta pagdating kay Sol my loves,
nawawala na ko sa mundo ko eh. Si Sol nga pala yung boyfriend ko! Ahahaha. Pero
kaya lang kasi, yung pagiging boyfriend niya sa akin eh hindi niya alam. Wish
ko lang talga yun! Ayyy. Nangarap na naman ako ng gising!!
“Yehey!” bulalas ko nung
marinig ko ang pagbell. Mehehehe. Im super excited nang makita ang Papa Sol
ko!! Uwaaaaaa!
“Ok class… is dismissed!” Pagkasabi nun ng
teacher namin, kaagad kong sinakbit yung mini backpack ko at hinigit ang kamay
ni Cilquen palabas ng room.
“Ano ba naman Arj? End of the world na
ba?”
sabay tanggal sa kamay niyang mahigpit kong hinawakan
“Ganun ang mangyayare kapag hindi ko
makikita ang Sol my loves ko!”
Sinapak
niya ko bigla sa tinuran ko “Eh
pwede namang dahan dahan ka no? At kahit pa naman magmadali ka jan para makita
yung Sol mo, hinding hindi ka pa rin mapapansin non!”
“Ouch!! Ang sakit mo namang
magsalita!!”
hinawakan ko pa ang dibdib ko kasi pakiramdam ko may sumakit sa parte dun “It hurts kaya bestfriend! Mapapansin
rin ako nun noh!”
“At k—kelan? Grabeh, sa pagkakaalam
ko kasi simula highschool mo pang kinabaliwan si Sol pero ni letter A man lang
sa pangalan mo, hindi alam nun! Shunga!” tapos pinitik niya yung noo ko
“Aray ko! ang sakit nun ah? Eh malay
mo naman kasi Cilquen diba? maybe this time, mapapansin na niya ako’t
makikilala!”
“Osige! Good luck jan sa mga maybe
this time mo Arj! Tingnan lang natin kung magkakatotoo ba yan! eh sa dami ba
namang babae tsaka baklang nakapila dun? Asa pang mapapansin ka nun!”
“Magkakatotoo talga to noh! At
hayaan mo, kahit aabot hanggang Edsa ang pila, pipila pa rin ako! ganun ko siya
kamahal!”
“Hindi! ganun ka katanga!”
At
ayun! Iniwan nako ng gago! Aish… Sabihin niyo ng tanga ako pero hindi niyo
talga mapipigilan ang bugso ng damdamin ko! talgang tumitibok lang itong puso
ko para sa lalaking yun! si Sol George Pelaez my loves! At balang araw,
mapapalitan din ng Pelaez ang last name ko!! <3
“Mrs. Arjielyn Pelae—“
“Arj ano ba??!”
“Oo nga eh! eto na!” nagmadali
akong sumunod kay Cilquen patungo sa locker’s area. Separate yung locker ng
boys sa girls pero magkatabi lang sila. After class kasi namin, ugali na naming
puntahan ang locker’s area para mag-iwan ng mga mabibigat na libro. Yung mga
libro ko, hindi ko yun nilalagay sa bag ko. Kalong ko lang ang mga books ko,
yung bag ko kasi… para lang yun sa mga pagkain ko. Mwahahaha!
“Alam mo? Hindi nako magtataka kung
mamatay ka dahil sa pagkatanga. Hindi ka ba talga magmomove on jan kay Sol?? Eh
ang sungit sungit nun eh!! Kung naging babae pa yun, ang taray taray nun!
Everyday may mens!”
“Bad mo talga! Wag mo nga
siyang siraan! Mabait yun! hindi mo lang alam!”
“Ahh so ikaw lang ang nakakaalam?
Psh. Concern lang naman ako sayo! I-check mo nga yang sarili mo baka may hindi
ka napapansing nawawala na!”
Tiningnan
ko naman yung sarili ko, eeeeh? Ano naman ngayon? Wala pa ring pinagbago sa
sarili ko, ang taba taba ko pa rin. Hindi pa rin lumalayas yung mga baby fats
ko! Ahuhuhuhu!
“Alam mo? Isa’t kalahati ka talgang
baliw! Baliw na baliw jan sa Sol na yan! Tsk3” sabi niya sabay
lagay nung books niya sa locker niya.
Umirap
lang ako. Kinuha ko yung susi sa bulsa ko at binuksan yung locker ko saka
nilagay ang mga libro ko at nagsalita
“Baliw na kung baliw… BUT! I was
born to love him…”
sabay haplos sa mukha niya na nakadikit sa dingding ng locker ko. Ang gwapo
niyang talga! nakuha ko pa itong picture na to sa fb niya, sa lahat kasi ng
picture niya dun sa album niya, ito ang pinaka favorite ko. Naka behlat kasi
siya and that makes him cute…mehehehe.
“At siya??” tinuro niya yung
picture ni Sol “He was born to
break your heart!!”
“Hindi gagawin ng mahal kong Sol yun
noh!” I
blunted. Kasi hindi naman ako naniniwala sa sinasabi ni Cilquen. Kahit naman
naturingang playboy yung Sol ko, hindi naman ako sasaktan nun. Naging playboy
lang naman siya dahil sa maraming babaeng umaaligid sa kanya.
“Hindi pa sa ngayon.. pero hindi mo
na pala namamalayang sinasaktan at binibiyak na pala niya unti unti ang puso
mo…”
“Hindi!!! mabait ang Sol my loves
ko!!”
sabay balabag ng pintuan ng locker ko… at kasabay nun, may nahulog na papel.
Ewan ko kung san yun galing pero nung sinarado ko ng malakas yung locker ko,
dun lang may nahulog na maliit na papel. Kulay blue…
Ano
naman kaya ito? Scratch paper? Pero sossy siya eh, hindi naman kunot yung
texture ng papel niya. Ang tanging marks lang dun ay yung pagkakatupi niya.
This must be something… baka naman love letter na to galing kay Sol? Weeeh!
Ambisyosa ko masyado.
Yumuko
ako para pulutin ito. Pagbukas ko nito, bumulaga sa akin ang pangalan ko “To Arjielyn Marcial,”
Para
sa akin? Is this for real?? Talga bang may nagpapadala na sa akin ng ganitong
letter? Bukod sa invitation letter, ngayon lang ako nakatanggap ng gantong letter
sa tanang buhay ko! eh kung talgang love letter nga ito.
“Ano yan Arj??”
“Ewan ko…tingnan mo!” pinakita ko sa
kanya yung papel.
“Nakalagay pangalan mo ah! Baka invitation
sa pista yan!”
Ang
sama! Binatokan ko nga “Grabi
ka talga! hindi naman puro pagkain yung nang-iinvite sa akin noh! Malay mo marriage
proposal an to!!”
“Asa ka pa naman!” bigla niyang inagaw
sa kin yung papel, “Ako an
titingin para magka-alaman an!”
Hinayaan
ko na lang siya sa ginawa niya, binuksan niya ang nakafold at ako naman palihim
na nagdadasal habang nagcross fingers “Sana love letter yan… sana love letter… sana…”
“Kala mo hindi ko naririnig yang
pagdadasal mo jan?!”
“Hindi ako nagdadasal!” pagdedeny ko “Kumakanta ako! sige na Cilquen!!
Basahin mo na!”
Super
excited na kasi ako eh! Uwaaa! Ito na ata yung palihim kong hinihiling kay Wako
Wako sa harap ng television set namin! Naaaah!
“Having a crush to someone is
bravery. But before anything else, you go to the fountain first—Uy! You go to
the fountain raw!”
“Talga?!
Yan yung sabi jan?!”
“Oo raw!
Tingnan mo!” pinakita niya sa akin yung papel at sa
nakasulat dito. May fountain nga dun.
“Eh pero teka? Sang fountain naman
tayo pupunta?! Eh wala pa naman akong nakikitang fountain dito.” Malungkot kong
pahayag habang sinasarhan yung locker ko
“Teka!!” Sigaw ni Cilquen.
Nabuhayan naman ako ng loob sa tinuran niya. “Baka dun sa may gilid ng daanan papuntang exit gate. Dun
malapit sa Administration Office? May fountain dun eh!”
“Eh?!” inalala ko kung meron ba talga dun
pero wala naman akong maalalang fountain dun “Hindi naman yun fountain eh! parang maliit lang
yun an pond eh!” sinapok ko nga pagkatapos sa ulo
“Aray ko! Ikaw?! Ang brutal mo
talga!! Kaw an nga tong tinutulungan eh! at tsaka yun an lang ang nagmumukang
fountain dito sa school!”
“Oo
nga noh?! Sige na nga! Baka naman pwede dun!”
Nagpunta
na nga kami dun sa pond na tinatawag nitong ni Cilquen na fountain. Shunga
talga to! Pero sige na lang, atleast nga may idea siya eh, ako nga hindi ko
naisip yun kaagad! talino talga nitong bestfriend ko!
“Oh ayan! Andito na tayo. Ano ng
sabi sa letter?!”
Binuksan
niya yung naka fold an letter tapos binasa ito “Having a crush to someone is bravery. That’s why, I’m
granting you this letter. Write out nine things that you wish your crush would
do to you. Trying something can’t bring harm to you. Sincerely, WakoWaka. PS.
Maghulog ka ng mahalagang pera sa fountain as exchange. H—hala! My nakapansin an
ata sa kabaliwan mo kay Sol Arj!”
“Eeh?
Hindi kabaliwan yun noh! Pagmamahal to! Teka teka! Patingin nga muna!” kinuha ko yung papel
an hawak ni Cilquen tapos tiningnan kung totoo ba talga yung binasa ni Cilquen
kanina…at totoo nga siya.
“Sino naman si WakoWaka?”
“Aba malay! Pero diba? character yan
sa ABS-CBN? Si Wako Wako?!”
Sinapak
ko nga ito sa ulo “Shunga
ka talga! kilala ko naman si Wako Wako eh! pero itong WakoWaka an sender an to?
Sino to?!”
“Aba malay nga! Baka kambal to ni
Wako Wako! Mwahahaha!”
Sinampal
ko na light si Cilquen dahil sa tinuran niya. Seryoso ako dito tapos siya??
Psh.
“Aray ko naman! Akin na nga yan!
Tapon na lang natin!!wala naman ata yang kabuluhan eh. manghihingi pa ng pera?”
sabi
niya sabay iling
Inagaw
niya sa akin yung papel pero nahawakan ko naman to ng mahigpit, buti nga hindi
napunit eh “Wag mo tong
itapon” I said “Malay
mo totoo ito..”
“Totoong alin?”
“Na…
kapag sinulat ko dito yung mga kahilingan ko, magkakatotoo.”
“Ewan… pero gaya nga ng sabi niya,
there’s no harm in trying naman!”
“So?” gulat an gulat
yung reaction ko sa sinabi ng aking bestfriend, I was expecting kasi an tututol
siya’t hindi siya papayag “So
meaning ok lang sayong sundin ko yung sinasabi nung letter?”
Tumango
siya “Shunga ka naman eh!
Tsaka kung kaligayahan mo naman yun, bakit ko pipigilan?”
“Yehey!! The best ka talga na
bestfriend Cilquen!! Kaya nga loves na loves kita eh!” sabay hug ko sa
kanya dahil sa sobrang tuwang namayani sa puso ko ngayon dahil sa pagpayag niya
“Talga? Loves na loves mo ko kaysa
kay Sol?”
Natahimik
ako sa tanong ni Cilquen “Eh
syempre… mas loves kita. Pero loves ko rin si Sol! Basta… ibang level naman
yung sa kanya!”
“Hehe. Binibiro lang naman kita Arj.
Sige na… Basta wag ka lang mag expect na magkakatotoo lahat ng isusulat mo jan!
Ok?”
“Ok!
He-he. Akin n—“
“Wait wait!” sabay layo niya sa
papel, “Wag ka ring mag
assume, ok?”
“ok ok!! Akin na!” binigay ni Cilquen yung
letter sa kin. Nagmadali kaagad akong kumuha ng ballpen saka sinulatan ang
letter an yun ng mga wishes ko…
Wish Ko Kay WakoWaka
1.
Ihatid
niya ko sa bahay.
2.
Tatawagin
niya ang pangalan ko gamit ng microphone.
3.
Makatabi
siya sa isang maliit an sofa habang ka hug ako.
4.
Magkaroon
kaming dalwa ng couple shirt.
5.
Makalaba
sa mga brief niya.
6.
Kumain
ng ice cream habang umuulan.
7.
Makita
siyang kumakain ng burger an super anghang.
8.
Bigyan
ako ng remembrance.
9.
I-wallpaper
niya ang pic ko sa phone niya.
And
after asdfghjklove years, natapos ko rin ang pagpupuno nung nine slots sa
letter.
“Oh? Tapos ka na?!”
Tumango
lang ako sa tanong ni Cilquen.
“Akin na! patingin muna!” kinuha niya yung
sulat an sinulatan ko an saka binasa.
At
nung matapos niyang basahin “Howhatthe!!
Napaka-impusible naman ng mga wish mo Arj! Ni paghawak nga lang sa kamay ni Sol,
hindi mo pa nagawa, ito pa kaya? Baka mahirapan si WakoWaka nito?”
“Relax lang bestfriend… kaw na nga
mismong nagsabi diba? There’s no harm in trying!”
“Sa bagay.”
Kumuha
kaagad ako ng pera sa wallet ko. Piso ang kinuha ko.. Yung piso an yun, matagal
an matagal ko ng tinatago. Yun yung piso an sukli ng ice cream vendor sa akin
nung nanglibre ako ng ice cream kay Cilquen at sa isa pa naming bestfriend, si MC.
Tatlo kaming close at ako lang ang babae. Minsan nga napagkakamalan akong
tomboy eh kasi dalwa silang lalaki an kasa-kasama ko parati.
Alam
niyo ba yung mga panahon an yun, yun an pala ang huling sandaling magkakasama
kaming tatlo, kasi pagkatapos nun nawala an lang bigla si MC. Nabalitaan an
lang namin ni Cilquen an umalis an pala sila ng family niya at namuhay an dun
sa States. Ang lungkot ko nga nun eh. Pero kalaunan naman, natanggap ko an…
happy naman ako kasi anjan pa si Cilquen para sa akin.
“Isa-sacrifice mo talga yan?! Yan
yung pisong sukli nung ice cream vendor diba?!”
Tumango
lang ako. Lumapit ako sa may pond habang hawak hawak yung piso ng dalwang kamay
ko malapit sa dibdib ko at bumulong “Hoy WakoWaka…kung sino ka man, ingatan mo tong piso ko kasi
mahalaga to sa akin at sana… tuparin mo yung mga sinulat ko.”
Hinagis
ko yung piso sa pond at nilapitan kaagad siya ng mga isdang naglalanguyan dun,
akala nila siguro pagkain yung hinagis ko.
Hayy…
Good bye piso! Im gonna miss you. :(
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)